NAPANOOD na nitong hatinggabi ng Oktubre 23 ang iWant docu series nina Robi Domingo at Sue Ramirez na may titulong Unlisted na ang mga lugar na napuntahan nila ay ang Tanay, Rizal, Taytay Rizal, Baras, Rizal, Capiz, Roxas City, Basey, Samar, at Escolta, Manila na hindi alam ng marami na maraming tourist destination kaya ang mga nabanggit na lugar ang gusto nilang i-promote para maraming taong makaalam.
“Hindi namin alam na ganoon po pala kaganda ang mga lugar na napuntahan namin tulad niyong Rizal, hindi namin alam na may ganoong mga lugar na nakatago, hidden gems of each city that we went to, each province na napuntahan namin kaya nagulat kami at I’m sure kapag napanood ito ng mga tao, I’m sure magugulat din sila sa makikita nila,” say ni Sue.
Ayon naman kay Robi, “of course when you go to a place, you have a certain expectation lalong-lalo na kapag nag-research ka sa isang lugar, pero iba ‘yung makikita mo sa internet, iba ‘yung mararamdaman mo kapag nandoon ka na, iyon ang isang bagay na gusto kong sabihin sa manonood ng ‘Unlisted,’ it’s one thing to look at one place and have those different stigma na kaakibat tulad nitong Rizal na nagulat kami sa mga nakita namin. It’s just a few minutes away from the city and you can reconnect with your soul sa lugar na. I’m inviting everyone to promote and go to Rizal as well.”
Sundot na tanong kay Robi na dating may travel show na Lakwatsero ay ano ang pagkakaiba nito sa Unlisted.
“Unlisted po kasi we go to different places with those kind of stigma, may mga misconception tulad ng Rizal na ito ‘yung pugad ng mga NPA (New People’s Army), sa Capiz naman may mga aswang. So, ‘yung mga ganoon na gusto naming i-break ‘yung myth sa mga tao.
“‘Yung ‘Lakwatsero’ naman po, we go to popular places kung saan-saan, it could be local, it could be international, but for this one, we gonna go for local muna to promote the perfect tourism for the Philippines,” pahayag ng binata.
Natanong namin kung unang beses ni Sue na mag-host ng isang travel show, “opo, pero before I’ve worked with Robi sa ‘ASAP Chill Out.’ Nagulat din po ako noong i-offer ito sa akin with Robi because I didn’t expect na ako ‘yung napili ng management to do the show. Kaya thankful po ako at least nabe-venture out ko na ‘yung mga gusto ko pang gawin sa career ko like hosting na sobrang inspired ako kay Robi kasi nakita ko po ‘yung growth na nagkatrabaho kami nine years sa ‘Shoutout’ (2010) tapos host na siya noon at naisip ko sa sarili ko na gusto ko ring gawin (hosting), and finally I’m doing it with him and it’s a big thing for me.”
Hirit ni Robi, “let me tell you something about Sue na alam naman po nating lahat na she’s beautiful, she’s charming and she has the brains to do it. She gets talk to people about sensible stuff and when explains, when she expounds into Tagalog, English and in Korean, alam na alam ng lahat, makare-relate po na fit si Sue in this kind of show.”
Ang challenge experience nina Robi at Sue bilang Unlisted hosts sa mga lugar na pinuntahan nila, “Because of that specific date na kailangan naming mag-travel ng by land, by air, at sea kami. So isang buong araw kaming nag-travel ni Sue. And it’s a true story ha, one of the things I regret is captioning the moments that happened to us.
“Umalis po kami ng Manila papuntang Cebu ng 11:00 p.m. kasi walang flight diretso papuntang Samar,” kuwento ni Robi.
“And from Cebu, nagbarko kami to Leyte and nag-land travel kami from Leyte to Samar. Tapos pagdating namin, quick change lang wala ng pahi-pahinga nag-work na kaagad kami ni Robi, so feeling ko ‘yun ang pinaka-challenge sa mga pinuntahan namin, magtrabaho ka ng buong araw tapos wala kang pahinga,” saad ng dalaga.
As of now ay four episodes na ang natapos nila at marami pang episodes na aabangan dahil lilibutin nila ang buong Pilipinas kahit hanggang Tawi-Tawi depende sa go signal din ng Tourist Department.
ni Reggee Bonoan