Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regine, ‘kinatakutan’ ng ilang aktor sa Cinema 1 Originals

MATAGAL na panahong hindi napanood sa pelikula si Regine Velasquez kaya naman maraming natuwa nang nalamang nakagawa siya ng indie film na kasama sa 15th year ng Cinema One Originals Film Festival na magsisimula sa Nobyembre 7-17.

Ganito rin pala ang nararamdaman ng mang-aawit sa kanyang pagbabalik pelikula.

I’m very happy to be part of this festival and it’s my first time and I’m also happy to be with amongst actors, because I’d never really considered myself an actor ‘coz I’m more of a dancer.  I’m the best as a matter of fact. Kaya mahirap ilagay ang sarili ko sa magagaling na artista ngayon but I’m very honored to be here,” saad ni Regine sa presscon ng Cinema One Originals.

Ang Yours Truly, Shirley ang titulo ng pelikula ni Songbird kasama ang baguhang si Rayt Carreon na naging love interest ni Regine.

Namatayan ng asawa si Shirley (Regine) na gagampanan ni Dennis Padilla at dahil nangulila siya sa pagkawala ng asawa ay natuon ang atensiyon kay Rayt na sikat na artista at mang-aawit.

Say ni Songbird, “Fan girl ako rito. Comedy na may kaunting drama ang movie namin.”

Habang hindi pa nagsisimula ang presscon ng Cinema One Originals ay natanong ang mga artistang dumalo sa presscon kung hindi sila threatened kay Regine dahil nga first time nitong sumali sa festival.

Flattered naman ang lahat na nakasama si Regine Velasquez sa Cinema One Originals kaya winelkam nila.

Ang lead star ng Tia Madre na si Cherie Gil ay hindi nakadalo sa presscon kaya hindi siya nahingan ng komento tungkol sa pagkakasama ni Regine sa festival.

Base naman sa teaser ng Tia Madre, heavy drama ito na thriller kasama si Jana Agoncillo bilang anak ni Cherie.  Tinanong si Regine kung sa tingin niya ay mananalo siya sa pagka-best actress.

Hindi ko alam na may labanan pala?  Hindi naman ako na-inform. Like I said, I’m just very happy to be here na mapabilang sa magagaling na artista natin, wala akong expectation plus kung ihahambing mo naman ‘yung role ko sa role ni Ms Cherie Gil, parang kinanta niya ‘yung ‘What Kind of Fool Am I’ tapos kinanta ko ‘Urong-Sulong’ (tawanan ang lahat) ganoon ang basehan,” natatawang sabi ng singer.

Hindi man manalo ang Yours Truly, Shirley ay okay lang sa

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …