Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Greta, pinanindigan kay Dominique: Wala siyang relasyon kay Atong Ang

IISA ang tanong ng lahat, bakit biglang lumipad pa-San Francisco, USA si Gretchen Barretto?  Physically iniwan ang gusot nila nina Claudine at Marjorie Barretto, pero aktibo naman siya sa social media dahil bawat bato sa kanya ng huli ay may sagot siya.

Pati na ang litratong kumalat sa social media na magka-holding hands silang natutulog  ni Atong Ang sa eroplano ay nabigyan niya ng justice at magkaibigan lang sila.

May nagbulong sa amin na kaya lumipad ng Sanfo si Greta ay para makasama ang anak na si Dominique Barretto Cojuangco na kasalukuyang nag-aaral. Yes sabi ng aming source, nag-aaral at hindi pa nagwo-work ang dalaga. Hindi lang binanggit kung ano ang pinag-aaralan nito.

Gustong makasama ni Greta ang nag-iisang anak para i-assure na okay lang siya inspite ng gulong nangyayari sa kanilang magkakapatid dito sa Pilipinas. Malayo kasi si Dominique at mahirap para sa kanya na hindi niya madamayan ang ina sa gulong ito, kaya ang mama na niya ang pumunta sa kanya.

Ano nga ba ang take ni Dominique sa mga isyung kinasasangkutan ng ina?  Ang umanong relasyon nito kay Atong Ang?

Sabi ng aming source, “sinabi ni Gretchen (sa anak) na huwag maniniwala sa lahat ng nababasa sa social media at napapanood sa news. Family friend nila si Atong at magkasosyo sa negosyo. Tulad ng sinabi ni Atong sa official statement niya wala siyang relasyon sa Barretto sisters.”

Sa matagal na panahon ay hindi nawawala ang tsismis kina Atong at Gretchen, hindi ba nagtataka si Dominique?

Hindi, kasi ang paliwanag nga ni Gretchen kaya lagi silang magkakasama with her father (Tony Boy Cojuangco) kasi may negosyo.

At mabait na bata si Dominique at well-love siya ng dada at mommy niya kaya walang negatibong iniisip. Sobrang mahal niya ang parents niya.  At saka idininay nga ni Atong kaya naniniwala si Dominic,” kuwento ng aming source.

 

direktor na si Nigel Santos dahil para na ring nanalo ng award ang movie nila sa pagpayag ni Regine na maging bida sa debut film niya.

Suntok sa buwan po, try lang baka lang, eh, pumayag kaya sobrang saya po naming lahat at ang sarap niyang ka-trabaho,” balita ng direktora.

Ang Yours Truly, Shirley ay may premiere night sa Nobyembre 10, 9:45 p.m. sa Trinoma.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …