IRITABLE ang premyadong aktor nang magpunta siya sa dubbing para sa pelikulang malapit nang ipalabas dahil wala man lang nag-asikaso sa kanya.
Kuwento ng staff ng premyadong aktor, “segue kasi si (aktor) sa dubbing mula sa (taping ng serye). Puyat siya but since kinausap siya for dubbing kaya go siya. Nakakaloka lang kasi wala naman palang tao roon (dubbing), walang tao ‘yung production, hindi alam sino kakausapin kaya umalis kami.”
Hindi namin alam ang sistema sa dubbing kaya wala kaming masabi tungkol dito kaya nagtanong kami sa mga kinauukulan.
“‘Pag dubbing, dapat may staff ‘yung production na mag-asikaso sa artista kasi sila ‘yung nakaaalam. Sila maglalatag ng script,” paliwanag sa amin.
Sa madaling salita walang taga-production na nagbantay para sa mga artista nilang magda-dubbling.
Bakit nga ba? Hindi ba ito extension ng trabaho ng staff o sinuman? Kaninong call ba ito? Sa producer, line producer o director?
(Reggee Bonoan)