Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Katarungan kay FPJ

SA DARATING na 14 Disyembre, Sabado, ang ika-15 anibersaryo ng kamatayan ni Fernando Poe Jr. Taong 2004, sa St. Lukes Medical Center, Quezon City, binawian ng buhay si FPJ sa edad na 65.

Matagal nang panahon pumanaw si FPJ pero hanggang ngayon ang kanyang alaala ay patuloy na sinasariwa ng taongbayan. Ang kamalayan ng mahabang panahong kapiling nila si FPJ sa kanyang mga pelikula ay hindi naglalaho at nagpapatuloy na nag-aalab sa isipan ng kanyang mga tagahanga.

Pagluluksa ang gagawing paggunita sa kamatayan ni FPJ.  Para sa maraming nagmamahal kay FPJ, ang kawalang katarungan ng kanyang kamatayan ay lalo lamang magbibigay sa kanila ng inspirasyon para ituloy ang labang naiwan ni Da King.

Alam ng marami kung bakit binawian ng buhay si FPJ. Marami ang nagsasabing dinaya si FPJ ni GMA noon nakaraang 2004 elections, at ito ang naging dahilan kung bakit pumanaw ang kanilang idolo.

Hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom ang sakit na nararamdaman ng mga nagmamahal kay FPJ.  Hindi malilimot nang mahabang panahon ang kanilang paghihintay makamit lamang nila ang katarungan para kay FPJ.

At kung mayroon mang nagsasabing nilimot na ng taongbayan si FPJ, ito ay pakana lamang ng kanyang mga kalaban na nais siraan ang mga nagmamahal kay Da King. Walang puwang para sabihing nilimot na si FPJ dahil hanggang ngayon ay nasa alaala pa rin siya ng bawat Filipino.

Pero ang sabi nga, ang katarungan ay makakamit lamang sa pamamagitan ni Senator Grace Poe. Si Grace ang tanging may kakaya­nang mamuno at makapagbibigay ng katarungan sa kanyang ama. At sa tulong ng supporters ni FPJ, hindi mabibigo si Grace sa naiwang laban ng kanyang namayapang ama.

At kailangang hindi magpatali si Grace sa loob ng Senado. Kailangang sa bawat kilos niyang gagawin ay laging kaakibat nito ang kanyang amang si FPJ. Ang platapormang ipinaglalaban ni FPJ para sa mahihirap ay hindi kailangang iwanan ni Grace.

Mapanghihinaang loob ang lahat ng mga taga­suporta ni FPJ kung walang tapang na gagawin si Grace sa kanyang mga laban sa Senado. Kung kinakailangan, dapat ay magpakita si Grace ng galit tulad ng kanyang amang si FPJ.

Hindi pa tapos ang laban ni Da King at kaila­ngan itong ipagpatuloy ni Grace para sa bayan at sa mga naiwang nagmamahal kay FPJ.  Hindi matatahimik ang kaluluwa ni FPJ hangga’t hindi nito nakakamit ang kanyang katarungan.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *