Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Panalo si Panelo!

KAHIT saang anggulo tingnan, panalo si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa commute challenge na ipinanawagan ng makakaliwang grupo para patunayan kung tunay na umiiral ang tinatawag na “mass transport crisis” sa Metro Manila.

Hindi inakala ng marami na tatanggapin ni Panelo ang kanilang hamon, at sa halip mabilis na ikinasa ng presidential spokesperson ang commute challenge, at simula sa kaniyang bahay sumakay ng dyip, nagpalipat-lipat ng tatlo pang dyip, at nagtapos sa pagsakay ng motorsiklo patungong Malacañang.

Sa nasabing commute challenge, nagsi­mu­lang mag-abang ng pampasaherong sasakyan si Panelo sa isang lugar alas 5:15 ng umaga at dumating sa gate ng Malacañang bandang 8:46 ng umaga.

Nagmukhang engot tuloy ang mga pumupuna kay Panelo dahil hindi nila inakala na sa edad nito ay maglalakas-loob na tanggapin ang kanilang hamon. Hindi biro ang ginawa ni Panelo dahil sa halos apat na oras ang kanyang ginawang biyahe mapatunayan lang na wala talagang “mass transport crisis” sa Metro Manila.

Partida na, naka-long sleeves na puti pa si Panelo!

Kung tutuusin, pumutok lang naman talaga ang tinatawag na “mass transport crisis” nang magsalita si BAYAN Secretary General Renato Reyes, Jr., nang sabay-sabay na madiskaril ang LRT1 at 2 at MRT3.

Pero kung tutuusin, termino lang naman talaga ang pinag-aawayan ng magkabilang panig dahil ang nararanasang kasalukuyang heavy traffic sa Kamaynilaan lalo na sa EDSA ay sobrang malala at talagang matagal nang kalbaryo sa mga mananakay.

Dahil sa terminong “mass transport crisis” nagkaroon tuloy ng rason o katuwiran si Panelo na ipakita sa mga mananakay na sa kabila ng malalang trapiko sa Metro Manila ay nakarating siya sa kanyang tanggapan sa Malacañang.

Ang kailangang pukpukin sa kasalukuyan problema ay si Transportation Sec. Arthur Tugade na sa kabila ng kung ano-anong mga pahayag, dapat ay tapusin na niya ang problema sa trapiko sa EDSA.

Tatlong taon na sa panunungkulan si Tugade pero hanggang ngayon ay walang tigil pa rin sa paninisi sa nakaraang administrasyon na kung tutuusin ay dapat siya na ang sisihin dahil walang solusyon na maibigay sa taongbayan kung trapiko at kalagayan ng mass transportation ang pag-uusapan.

Sa ngayon, dapat magpasalamat ang DOTr at MMDA kay Panelo. Mabigat ang kanyang ginawa, at kung tutuusin naisalba sila sa usapin ng propaganda lalo na sa problema sa trapiko sa Metro Manila.

Siya nga pala, bakit hindi sumalang sa commute challenge si Renato Reyes, lagi ko siyang nakikita na naka-kotse kapag sumusundo sa kanyang anak sa isang eskuwelahan sa Quezon City.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *