Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, pinagseselosan ni Markus

WHAT you see is what you get. Alam n’yo namang wala akong sasabihin, confirm or deny it,” ito ang sagot ni Markus Patterson kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Janella Salvador, “we’re good friends,” sabi pa.

Kaya ang tanong namin ay kung ilang buwan o taon na silang ‘friends’ ni Janella at inamin ng aktor na, “mag-6 months na since ‘MMK’ (Maalaala Mo Kaya), kasi roon kami naging close.”

Sa madaling salita, anim na buwan na silang dating at exclusive ‘yun ha, so alam na kung ano ang ibig sabihin.

Sa panayam ng bida ng iWant digi-series na Kargo ay inamin niya sa Tonight with Boy Abunda na nagselos siya noong una kay Joshua Garcia na leading man ni Janella sa seryeng Killer Bride pero sa kalaunan ay hindi na nang ipaliwanag sa kanyang mabuti ng aktres.

Kaya ang sundot naming tanong ay kung in-assure siya ni Janella na hindi dapat pagselosan si Joshua at ang ganda ng ngiting isinagot sa amin ni Markus.

Samantala, kasalukuyang umeere na ang 5 episodes ng Kargo sa iWant handog ng Star Creatives mula sa direksiyon ni Julius Alfonso. Kasama rin sa cast sina Lui Villaruz, Gillian Vicencio, at Rio Locsin bilang si Lola Tere.

Ayon sa taga-iWant ay umabot na sila sa 13-M subscribers kaya naman mas lalong na-inspire ang bawat unit na gumawa ng digital series para matugunan ang kahilingan ng kanilang viewers.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …