Monday , December 23 2024

CCBI unity run matagumpay

NITONG nakaraang linggo, naglunsad ng activity ang Chamber of Customs Brokers Inc. (CCBI) — ang “Run for Unity” upang ipakita ang pagkakaisa ng mga broker na hindi sila papayag na basta alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang licensed customs brokers.

Ipinakita nila ang kanilang pagkakaisa sa pamamagitan ng isang activity na nagsama-sama ang iba’t ibang grupo ng brokers at mga estu­dyante ng Customs Administration.

Ang sa akin lang, sana ay huwag padalos-dalos ang Pangulo sa pagdedesisyon at paglala­bas ng mga nakababahalang salita dahil marami ang maaapektohan at sana ay mag-imbestigang mabuti kung may kalokohang ginagawa ang mga licensed broker at kasuhan na lang ang mga lumalabag sa batas ng customs instead na alisin sila.

Ang Unity Run ay pinangunahan ni National President Adones Carmona. Naging matagumpay ang kanilang event sa Davao, Cebu, Batangas at iba pang grupo na nakisali sa event.

Nakita ang pagkakaisa ng bawat miyembro ng CCBI at mga opisyal na nagsama-sama silang kontrahin ang CMO 34-2019.

Kaya naman huwag isisi sa customs broker ang nangyayari dahil alam naman natin na may mga player pa rin na gumagawa ng pandaraya sa gobyerno at ilang tiwaling taga-BoC na nakikipagsabwatan.

***

Congratulations pala sa mga bagong empleyado at mga bagong promote sa Bureau of Customs na nanumpa nitong nagdaang linggo.

Magagaling at matagal na sila dahil kilala natin ‘yung iba na na-hire at na-promote.

Keep up the good work guys!

***

Congratulations Rommel Katigbak Rubiales na nagbabalik sa BoC.

Umalis sa BoC upang mag-aral at napaka­sipag ng taong ito at napakabait.

Isa rin dito sa BoC-POM si Reffy Gorre na talagang napakasipag at halos walang pahinga sa trabaho.

Marami pang mga nanumpa na nakikita natin na malayo pa ang mararating nila dahil sa serbisyo publiko.

Mabuhay kayong lahat!

***

Congratulations pala sa Port of Limay na consistent ang target collection at ang District Collector ay si Michael Angelo ‘Miko’ Vargas na napakabatang collector pero siya ay napakasipag, napakatalino at totoong serbisyo publiko.

Congrats sa ‘yo Coll. Miko and keep up the good work, Port of Limay!

Kasama pala sa magagaling at masisipag at subok sa serbisyo publiko sina collectors Vincent Villanueva, Joseph Escasio at Atty. Rey Bergado.

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *