Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cast ng The General’s Daughter, nag-iyakan

NAG-LAST taping day na ang The General’s Daughter nitong Miyerkoles at lahat sila ay may separation anxiety o sepanx pero ayaw nilang maghiwalay na malungkot at nag-iiyakan.

Nag-post si Angel ng litratong kunwari ay naiiyak silang cast na may caption na, “Last taping day for The General’s Daughter walang iiyak (lol ).  Imma miss these guys so much @eulavaldes @super_janice @akosijcdeberat @iamryzacenon @tirsocruziii @hazelparfan  (insert @pauavelino na naliligo & Tito @albertmartinezph na nagpapagupit namiss namin kayo today  @iamandalioloisa  @iamr2alonte @pocholobarretto.”

Hindi naman ikinaila ni Angel sa nakaraang #TGDSalute finale presscon na nalulungkot siya sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye nila dahil mahigit isang taon niyang nakasama ang cast at pamilya ang turingan sa isa’t isa.

Nagbiro pa nga ang aktres na kung mabibigyan ulit ng pagkakataong muli niyang makasama ang cast ng TGD ay libre ang talent fee niya ng buong linggo.

Abangan ang final mission ni Angel bilang General’s Daughter ngayong gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …