Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerome, sa pagba-bakla — nailang, ‘di kinaya

UNANG beses gumanap bilang bakla sa pelikula si Jerome Ponce kaya inamin niyang kabado siya at talagang hindi niya alam ang gagawin noong sabihin sa kanya ni Direk Jason Paul Laxamana ang karakter niya.

Kuwento ng aktor, nag-audition siya para sa ibang role kaya laking gulat niya nang ibang karakter ang ibigay sa kanya sa pelikulang Ang Henera­syong Sumuko sa Love na produce ng Regal Films.

At dahil bakla si Jerome ay kailangang may lover siya at siyempre may intimacy silang dalawa na ginampanan naman ni Anjo Damiles.

Sa ginanap na Ang Henerasyong Sumuko sa Love mediacon, inamin ni Jerome na nahirapan siya sa kissing scene/shower sa kapwa lalaki.

“Buong palabas nailang ako! Honestly, hindi ko kinakaya pero nandoon na, heto na. Ang ganda niyong eksena nang pinapa-preview.  Sabi ni direk (Jason), ‘Jerome okay na, tapos na panoorin mo.’

“Sabi ko, ‘wow! Ang ganda nga naman. Wala pang musical scoring, wala pang dubbing. Ganda nga kasi talaga. Pero wala, eh. Bigla-biglang may papasok na (lalaki), ‘pare, kumusta pare, ha, ha, ha!’” kuwento ni Jerome.

Pero siniguro ng aktor na kung sakaling magkaroon ulit siya ng offer bilang gay ay madali na sa kanya dahil nawala na ‘yung takot niya.

“Madali na siguro kasi ako lang naman ang naglalagay ng limit sa sarili ko,” say ng aktor.

Samantala, tinanong si Jerome kung ano ang reaksiyon ng girlfriend niyang volleyball player na si Mika Reyes.

“Well, nagulat siya sabi niya kaya ko naman kasi aktor daw (ako). Pero siyempre tinanong ko siya kaagad kung ano ‘yung mga gagawin ko sinabi ko naman at it turned out okay naman,” nakangiting kuwento ng binata.

Binanggit naman ni direk Jason Paul na nasa set si Myka pero nasa tent lang at hindi nito napanood ang mga eksenang ginawa ng kasintahan.

Napanood na ni Myka ang trailer pero hindi sinagot ng aktor kung ano ang reaksiyon ng girlfriend.

Natigilan sandali si Jerome at nag-isip sa tanong kung magdududa sa kanya ang kasintahan, ”hindi naman siguro.  Malay mo quits!” tumatawang sagot ni Jerome.

Matagal na sa showbiz si Jerome at ni minsan ay hindi naman siya natanong sa sexual preference niya kaya naniniwala kaming hindi siya miyembro ng LGBTQIA plus.

Sa kabilang banda, happy ang lovelife ni Jerome kaya hindi angkop sa kanya ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love dahil punompuno ng pagmamahal ang puso niya araw-araw.

Mapapanood na Ang Henerasyong Sumuko sa Love sa Oktubre 2 handog ng Regal Films mula sa direksiyon ni Jason Paul at kasama rin sina Tony Labrusca, Jane Oneiza, Myrtle Sarossa, at Albie Casino.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …