NAKATAKDANG bumisita sa Russia si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.
Nabatid kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na tinanggap ni Pangulong Duterte ang paanyaya ni Russian President Vladimir Putin na magtungo sa kanilang bansa.
“Ang sabi niya ay inimbitahan siya ni Russian President at tinanggap na niya. Ia-announce niya na lang kung ano ang mangyayari roon,” ani Panelo.
Inaasahan aniya ang ibayong pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Russia.
Matatandaan na wala pang 24-oras nanatili si Pangulong Duterte sa Moscow noong 2017 dahil kinailangan niyang bumalik agad sa Filipinas sanhi nang pagsiklab ng Marawi siege.
(ROSE NOVENARIO)