“TRY ko next time mag-shoot sa North Pole,” ito ang sagot sa amin ni Direk Sigrid Andrea Bernardo sa biro naming, ‘North Pole na lang ang hindi niya nararating.
Nag-post kasi si direk Sigrid ng, “touchdown PARIS. #walang KaPARIS #Alempoy,” kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito.
Hindi pa mag-i-start ng shooting si direk Sigrid, “research lang muna ako. Start ng research ko he he. So, wish me all the luck in this world.”
Tinanong namin kung kailan ang target shooting date ng Walang kaParis, “Di ko pa alam. ‘Yoko mag-promise, but if magawa ko kaagad ang script, baka December or January (2020).”
Siyempre tinanong namin kung anong istorya ang naisip ni direk Sigrid, kung parehong nakatira sa Paris sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.
“Secret muna ang kuwento. Ginagawa ko pa lang,” sabi sa amin.
Oo nga, ang kulit kasi namin, ha, ha, ha.
At ang huling tanong namin sa direktora kung may love life na siya,
“Secret din. Ginagawa ko pa.”
Ngayon ko lang nalaman na ‘ginagawa pala ang love life?’
Anyway, mahilig mag-travel sa ibang bansa si direk Sigrid dahil ang katwiran niya, rito siya nakakukuha ng mga idea sa mga pelikulang gagawin niya at susulatin niyang script.
Tulad nga ng Untrue nina Xian Lim at Cristine Reyes na kinunan sa bansang Georgia na may 30 Pinoys lang ang nakatira at ito rin ang unang pelikulang ginawa roon.
Kaya namin nabanggit na North Pole na hindi pa narating ni direk Sigrid at mukhang nagka-idea siyang mag-shoot doon kahit puro yelo dahil nangyari ito sa pelikula nina Aga Muhlach at Alice Dixson na produced ng Viva Films na kinunan sa Nuuk na capital ng bansang Greenland na puro yelo rin.
Wala nang imposible ngayon basta’t may pera.
Ang Walang kaParis ay produced ng Spring Films nina Piolo Pascual, Binibining Joyce Bernal, at Erickson Raymundo.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan