Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie pumalag, ‘di totoong nagselos kaya nandura

TUNGKOL pa rin sa away ay klinaro nina Kylie Verzosa at Maxine Med­i­na ang tung­kol sa nangyaring duraan sa set.

Ang kuwento ay dinuraan ni Kylie si Maxine sa mukha na hindi naman kasama sa script.

Ang paliwanag ni Kylie, “Right after naman po nag-sorry naman ako. Nadala po ako sa eksena.  Yung character ko po bilang si Dulce ang nakasakit kay Maxine hindi si Kylie.”

Katwiran pa ng 2016 Miss International ay unang teleserye niya ang Los Bastardos kaya medyo nangangapa siya, “bida po naging kontrabida. Sobrang biglaan ang pagka-switch akala ko nga po bida ako the whole time. As a first time po, nahirapan ako sa role at sobrang na-challenge po ako.”

Pagkatapos ba ng eksena ay nag-sorry si Kylie kay Maxine? “Okay naman po kami ni Maxine ngayon.” 

May isyung kaya dinuraan ay dahil tila may pagse­selos si Kylie kay Maxine dahil marami silang kissing scene ni Jake Cuenca na boyfriend ng una.

Pina­lagan ito ng dalaga, “ay hindi po kasi kami rin naman ni Jake maraming kissing scene.  Sila pong dalawa (Jake at Maxene) they never give me a reason to feel bad or to feel na mainggit po, friends po kaming tatlo.”

Samantala, pinalagan ni Maxine ang sinabi ni Kylie na nag-sorry sa kanya pagkatapos siyang duraan.

Nag-sorry naman right after 4 days na nangyari ‘yung scene, so siguro kasi lesson na rin ito na before gawin ang eksena, let’s talk about it, para if ever na may mangyaring hindi kanais-nais, kailangan nating mag-sorry kaagad,” pahayag ng 2016 Miss Universe Philippines.

Nagbahagi rin ng karanasan si Maxine na noon nagkasama sila ni Ritz Azul sa Ipaglaban Mo at may sakitang mangyayari ay nag-usap muna sila ng mga gagawin.

Naikuwento ko nga sa lahat na mayroon naman kami nito ni Ritz na sapakan sa ‘Ipaglaban Mo,’ as in sampalan at sabunutan, pero pinag-isipan namin.

Sa (Los Bastardos), nagpaalam ako sa kanya (Kylie) ng sampal, pero tapos na tayo, nag-sorry na siya sa akin at okay na po kami,” kuwento ng dalaga.

Katwiran pa ni Kylie, “nagbibiruan na po kami right after kaya okay na po kami.  Tama nga po na dapat nag-usap kami bago gawin ‘yung scene.  Siguro ‘yun lang po ‘yung pagkukulang ko o pagkukulang namin. First eksena po kasi namin sa umaga so sana nga po napag-usapan namin.”

Bakit nga ba umabot ng four days bago nakahingi ng ‘sorry’ si Kylie kay Maxene?

Ang alam ko po nag-sorry ako agad-agad.  Tapos nag-usap na kami, normal na kami on set, actually nagulat ako noong lumabas ang isyu na ito at nasasaktan ako.  Hindi ko po alam kung bakit nangyari.

Sana man lang kinon-front man lang ako sa set if she (Maxine) was feeling bad, ‘yun nga po hindi maiiwasang may masasaktan.Okay na at puwede naman po kaming magkatrabaho ulit,” saad ng dalaga.

Hindi naman nasayang ang sampalan at duraan scene nina Kylie at Maxene dahil nagtala ito ng mataas na ratings sa Los Bastardos.

Sa kabilang banda, kaabang-abang pa ang mga eksenang mapapanood sa nalalapit na pagtatapos ng Los Bastardos sa Setyembre 27 mula sa RSB Unit.

Ang Los Bastardos ang pinaka-matagal na series ng Precious Hearts na umabot sa 50 weeks sa ere na idinirehe nina Raymond B. Ocampo, Carlo Po Artilliaga, at Digo Ricio.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …