Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, insecure sa kakintaban ng damit ni Jed

BILANG unang gay artist ng IdeaFirst Company nina direk Jun Robles Lana at Perci M. Intalan si Paolo Ballesteros sa pelikulang Die Beautiful, may cameo role sa Born Beautiful at isa sa bida ng The Panti Sisters, wala siyang nakuhang award.

Si Martin del Rosario ang nagwagi bilang Best Actor sa PPP 2019 Gabi ng Parangal at masaya si Paolo dahil isa sa sisters niya ang inaasahan niyang manalo at nagkatotoo naman.

Ani Paolo, “kahit sino sa kanila ang manalo.  Alam ko na ‘yun kasi sila ‘yung mga kasama ko sa shooting. Hindi talaga siya (Martin) bumitaw sa karakter niya.  Mahirap ‘yung karakter niya na pa-sweet. Mahirap kasi ‘yung nagpapaka-bakla tapos same ‘yung boses, pero siya hindi nagbago, dinala niya sa buong shooting.”

Siguradong may part 2 ang Panti Sisters dahil sa ending ng pelikula ay inanunsiyo na may part-two at may nakalagay na ‘hidden Panti sister’ kilala na ba ni Paolo kung sino bilang kapalit ni Martin dahil nawala na siya sa kuwento?

Well, hindi tayo sure kung ito ba ay sequel o prequel. Kasi alam mo naman ang utak ni Jun at ni Perci,” kaswal na sagot ng aktor.

Hirit namin ‘baka nga prequel kasi wala ng makukuhang ibang aktor na puwedeng makibagsabayan sa kanilang tatlo nina Martin at Christian sa gay role.

Ang taklesang sagot ni Paolo, “ohh, eh, sana isama si Jed Madela para maglaban kami sa pakintaban ng damit!”

Parehong makintab kasi ang suot na damit sina Paolo at Jed sa event.

Nagkatawanan ang lahat sa sinabi ng aktor at nang mapansing naka-video siya ay at saka nagsabi ng ‘joke lang.’

Nairita ba siya na may kapareho siya ng damit? “Charing-charing lang. Kasi nauna siya ‘no? Pagpasok ko ng (venue), huh!  May nauna pala sa akin sa pakintaban ng damit. Pero okay lang, may exposure rin naman ako, ha, ha, ha.”

Dagdag pa, “next time, ha, ha, ha. Next time sabihan mo naman ako na mauuna ka pala (magsuot ng makintab) para mas dinagdagan ko pa, mas binonggahan ko pa. Akala ko bongga na ako, pagpasok ko, shucks, kumakanta si Jed, naunahan na ako,” tumatawang sabi ng aktor.

Seryoso nga ba si Paolo na gusto niyang makasama sa pelikula si Jed? “Why not, isuot niya ‘yung makikintab, magpakintaban kami.

Hindi siya (Jed) mapipikon kasi kaibigan ko siya. Kumuha na siya ng painting sa akin kasi isa siyang art chororot (collector). Kaya nga ako naiinis, puwede naman niya akong i-message na, ‘makintab ang suot ko.’”

Ano kaya reaksiyon ni Jed dito?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …