Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Ion Perez

Ion, ayaw nang maiugnay kay Vice Ganda

HINDI sigurado si Ion Perez kung dadalo siya sa gaganaping 2019 ABS-CBN Ball kahit may imbitasyon dahil naiilang siyang makihalubilo sa maraming tao.

Ito ang inamin ni Ion nang makatsikahan namin siya sa 1st shooting day ng Mang Kepweng 2.

Aniya, “Pinag-iisipan ko pa po. Naiisip ko, parang ‘yung sarili ko, medyo (alangan) humarap sa malalaking tao. Nandoon pa rin po kasi ‘yung ugaling pagka-probinsiyano ko.”

Tinanong namin kung may isusuot na siya at um-oo naman pero sadyang nag-iisip pa siya kung dadalo.

Bago humarap sa panayam si Ion ay nakiusap ang production staff ng Mang Kepweng 2 na huwag sanang pag-usapan si Vice Ganda dahil ayaw na ng binata dahil naba-bash siya hanggang ngayon at nadadamay pa ang mahal na ina.

Masakit po kasi.  Hindi ko naman binabasa lahat, pero may mga nabasa ako na sobrang masakit, tungkol sa nanay ko!  Pero kung ako ang i-bash, okay lang naman.  Kaya kong tanggapin, pero sa nanay ko, hindi na puwede ‘yun!” diin ni Ion.

Ano naman ang mensahe ni Ion sa bashers niya.

Siguro magtrabaho sila (bashers) ng maige para may maitulong sila sa pamilya nila. Sa mga taong binibigyan n’yo ng pansin (i-bash), bigyan n’yo ng pansin mga sarili n’yo para makatulong kayo,” diretsong sabi ng baguhang aktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …