Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Hindi lilimutin si FPJ

KAPAG dumarating ang tinatawag na “ber” months, kaagad naaalala ang nalalapit na pagsapit ng kapaskuhan.  Ang “ber” months ang tila hudyat ng mahahalagang kaganapan sa nalalabing apat na buwan ng taong 2019.

Bukod sa araw ng Pasko, maraming mga pagdiriwang at paggunita ang isinasagawa sa tinatawag na “ber’ months ng taon. Ilan na rito ang All Saints’ Day at ang paggunita sa kapa­nganakan ni Andress Bonifacio sa Nobyembre 30.

Hindi rin malilimutan ang Rizal Day na nakatakda sa Disyembre 30, ang pagdiriwang ng bisperas ng Bagong Taon at siyempre pa, ang mismong araw ng kapanganakan ni Hesu Kristo, Disyembre 25, ang araw ng Pasko.

Ito ay ilan lamang sa mahahalagang araw na hindi nakalilimutan ng taongbayan sa huling apat na buwan ng taon. Bagay na nagpapasaya o nagpapalungkot kapag pumapasok ang buwan ng Setyembre.

Pero hindi rin dapat kalimutan ang darating na Disyembre 14.  Ang araw na ito ay isang malungkot na bahagi sa buhay ng simpleng mamamayang Filipino na patuloy na nagmamahal sa kanilang itinuturing na isang tunay na bayani.

Ang Disyemnbre 14, Sabado, ang araw ng kamatayan ni Fernando Poe Jr.  Ito ang ika-15 anibersaryo ng kamatayan ni FPJ. Sa edad na 65 years old, binawian ng buhay noong 2004 si FPJ sa St. Luke’s Medical Center, Quezon City.

Sa araw na ito, inaasahang magtitipon ang lahat ng nagmamahal at tagasuporta ni FPJ sa Manila North Cemetery para gunitain ang naging buhay ng kanilang iniidolo kasabay ng inaa­sahang parangal na ibibigay para sa hari ng pelikulang Filipino o kay Da King.

Kung tutuusin, dapat ipagluksa ang naging kamatayan ni FPJ.  Marami ang naniniwala na ang ginawng pandaraya sa kanya noong 2004 nang tumakbo sa pagkapangulo laban kay GMA ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Hanggang ngayon ay wala pa ring katarungang nakakamit sa kanyang sinapit si FPJ.  Hindi matatapos ang pagluluksa ng supporters at nagmamahal kay FPJ kung walang hustisyang makukuha ang kanyang kamatayan.

Hindi maisasantabi na si FPJ ay naging bahagi ng buhay ng milyon-milyong Filipino na dahil na rin sa inspirasyong ibinigay niya ay nanindigan kung paano lumaban ang mahihirap sa mga mapang-api at mga makapangyarihan.

Katarungan pa rin ang isinisigaw sa mga naiwan ni FPJ.  Sabi nga, hindi pa tapos ang laban!

***

(Paumanhin ang ipinaabot ng may akda sa lahat ng tagasubaybay ng kolum na Sipat. Hindi pamamaalam ang ilang linggong pananahimik ng Sipat. Ilang personal na bagay ang kailangang harapin at resolbahin. Pasasalamat kay Jerry Yap at kay Gloria Galuno sa pag-unawa.)

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *