Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suwerte ni Alden, ‘di pa tapos

LADY luck must be on the side of Alden Richards. Inamin mismo ng actor na siya’y nagugulat sa mga nangyayari sa kanyang karir ngayon. Ang akala niya’y hanggang pagho-host lang siya sa Eat Bulaga at pagiging ka-loveteam ni Maine Mendoza ang itatakbo ng kanyang career pero patungo na ito sa pagiging Box Office King dahil sa patuloy na pamamayagpag ng kanilang pelikula ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye.

Isa na kami sa mga nakapanood ng pelikula at nakikita namin si John Lloyd Cruz kay Alden. Sobrang ikinatuwa ito ng aktor na maihambing sa kanyang iniidolong aktor.

Pagsisiwalat ni Alden, bago simulan ang shooting ng Hello, Love, Goodbye ay nag-text siya sa ngayo’y in hiatus pa ring aktor. Aniya, “Sabi ko, ‘Idan, gagawa ako ng project sa Star… si Direk Cathy ang director.

“Ang sabi niya lang sa akin, ‘Ang importante, masaya ka.’ ‘Yun po ang sinabi niya sa akin.”

Another blessing din ang pagdating ng series na The Gift na nagsisimula na ang taping.

Isang bulag dito si Alden at ang beneficiary ng Avel x Alden ay ang mga bata sa Northern Luzon Association for the Blind sa La Trinidad, Benguet. Ang laki ng kanyang pagkabigla nang malamang isang bulag ang gagampanan niya sa bagong teleserye.

Samantala, nagpunta ng Seoul, South Korea si Alden para tumanggap ng award sa Seoul International Drama Awards. Excited ang aktor dahil first time niyang makapunta sa Korea lalo pa at tatanggap siya ng award.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …