Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Old school of comedy, ibabalik nina Janno, Andrew E at Dennis

Isa rin sa dahilan kung bakit naisip ni Janno na ibalik ang old school comedy ay dahil hindi na nga ito napapanood ngayon dahil ang uso ay romantic-comedy na ng magkaka-loveteam kasi nga millennials ang karamihang target audience ng movie producers at filmmakers.

“I think naghahanap ang male audience ng ibang kind ng comedy and this is it, ito ‘yung brand ng comedy namin,” saad ng aktor singer.

Nabanggit na ang saya sa set ng Sanggano, Sanggago’t Sangwapo dahil hindi pa rin kumukupas ang kakulitan nila at chemistry at natawang sabi ni Janno, “pero mas mabagal na kami ngayon (action scenes).”

Hirit ni Dennis na kaya pa ni Janno ang mabilis dahil nakailang ikot pa siya sa ilang eksena.

Nabanggit ding tumulong sila sa script, “ang bilin sa amin ni direk Al (Tantay) sa umpisa palang ng shooting sabi niya, ‘I know lahat kayo may kanya-kanyang suggestions. I’m open to all your suggestions, suggest all you want basta ang hiling lang niya, io-audition namin sa kanya like, ‘direk can we do this, can we say this?’”

Dagdag pa ni Dennis, “maski na marami kaming suggestions (adlib), si direk pa rin ang may last say kung gagamitin.”

Walang sapawang nangyari sa tatlong komedyante dahil sila-sila mismo ay nagbibigay ng magandang script para sa isa’t isa.

At base naman sa ipinakitang trailer ng Sanggano, Sanggago’t Sangwapo sa premiere night ng Just A Stranger ay tawa ng tawa ang lahat as in at oo nga, na-miss namin ang mga dating estilo ng pagpapatawa nina Mokong, Astig at Gamol.

Mapapanood ang pelikula sa Setyembre 4 nationwide produced ng Viva Films at kasama rin sa pelikula sina Louise delos Reyes, Cindy Miranda, Vanessa Wright, Julian Trono, Vitto Marquez, Andrew Muhlach at iba pa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …