Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, may pasabog kina Julia at Gerald

PASABOG kaagad ang tanong kay Dennis Padilla sa pagsisimula ng #SSSMediacon na ginanap kahapon ng tanghali sa Music Hall, Metrowalk Pasig City tungkol sa anak niyang si Julia Barretto na umano’y dahilan ng hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonso.  Ano ang payo ng aktor sa anak?

Idinaan muna sa biro ng dalawang kasama ni Dennis sa pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sangwapo na sina Janno Gibbs at Andrew E na ang tinukoy nila ay sina Jerald Napoles at Julian Trono na dinugtungan naman ng una na, “hindi matanggap na nagkatuluyan pala.”

Ang seryosong sagot ng ama ni Julia, “siyempre ‘pag anak mo, ang una mong gagawin, proteksiyonan, so ang sabi ko sa kanya (Julia), ‘wag ka na munang mag-social media. Pahinga ka na muna sa social media. Mas maganda magbakasyon ka na muna.

Sabi ko nga sa kanya (Julia), kung wala ka pa namang shooting or hindi naman siya gaanong busy lumayo ka na muna sa social media.  Hintayin mo na lang mag-die down kung anuman ‘yung isyu.  So, ‘yun lang ‘yung huling nasabi ko kay Julia.”

Inamin ni Dennis na tinext niya si Gerald noong pumutok ang isyu, “nagtext ako tapos tumawag siya at nagka-usap kami at ni-remind ko lang sa kanya na, ‘pare, anak ko ‘yan!’  So, ‘yun lang, siguro naman alam na niya ‘yun kasi lalaki sa lalaki naman.”

At dito nga inamin ni Gerald sa ama ni Julia na nanliligaw siya sa aktres kaya mas lalo silang na-bash ng netizens at dito na rin nagsabi si Bea na wala siyang alam na break na sila ng aktor, basta ang alam niya ay hindi na lang sila nag-usap.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …