KINONDENA ng mga Filipino na permanenteng citizens na sa Amerika ang Western Union of the Philippines na kanilang pinagpapadalhan ng dolyar para sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa Filipinas na imbes dolyares ‘e pesos ang ibinibigay sa claimant o sa pinadalhan.
Ibig sabihin Philippine peso na ang natatanggap at malaki ang kaltas ng dollar rate kompara sa black market o money changer shop sa bansa, na halos singkuwenta sentimos ang kaltas sa tunay na palitan ng dolyares.
***
Ayon sa mga nagreklamo na nakabase sa San Diego California, nagpadala sila ng US$500 para sa kanyang kapatid na naka-confine sa ospital at sasailalim sa isang maselang operasyon, pero nang kanyang puntahan at kunin ang pera sa Western Union imbes dolyar ang kanyang makuha, Philippine peso na. Nadiskubre niya na mas mababa ng singkuwenta sentimos sa black market o sa ibang money changer shop.
***
Kinuwestiyon umano ng source ang dalawang empleyada na bakit imbes dolyar ang ibigay sa kanya, pinalitan na ito ng Philippine peso. Sagot umano ng mga empleyada, ubos na ang dolyar nila gayong siya ang kauna-unahang kostumer sa nasabing establisimiyento na matatagpuan sa Libertad corner P. Burgos, Pasay City. Okey lang daw na palitan ng Phil. Peso ang sinesentemyento ng source at mas mababa ang palit ng ipinadalang dolyar sa kanya kompara sa ibang money changer shop na halos katapat ng Western Union branch na kanyang pinuntahan.
Nalaman niya, mas mataas ang palitan sa banko na mas mababa lang ng kinse sentimos sa black market.
***
Nalaman ito ng nagpadala at isinumbong sa inyong lingkod, kaya sa susunod daw na padala ay hinding-hindi na tatapak pa sa Western Union!
Isa pang reklamo ay mas pinapaboran ng Western Union ang may malaking remittance dahil mas malaki ang kanilang kikitain sa singkuwenta sentimos na dapat ay palitan ng dolyar kaya kahit mayrong available na dolyar sasabihin ay ubos na! Dahil nakareserba na pero ang totoo Philippine Peso rin ang ibibigay sa recipient, ‘yun nga lang mas malaking halaga na dolyar ang ipinadala ng sender.
Halimbawa, kung ang sender ay US$500 ang ipinadala sa recipient, sa singkuwenta sentimos na kulang ay mayroon na silang P250.00, paano kung umabot sa mas malaking halaga ng dolyares ang natatanggap ng Western Union buhat sa iba’t ibang bansa mula sa iba’t ibang sender ‘di lamang sa bansang Amerika, higit na mas malaki ang naiipon para sa Western Union dahil sa singkuwenta sentimos na nakukupit nila sa tunay na palitan ng dolyar.
No choice ka dahil kailangan mo ‘yung pera! Buwa-ka-ng-inang western union ‘yan! Secured ang dolyar mo na ipinadala pero hindi secured sa Western Union!
Dahil sila mismo ang kumukupit!
ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata