Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, nakagugulat ang offbeat role sa Mina-Anud

BAGAY naman pala kay Matteo Guidicelli na gumanap ng offbeat role dahil ang karakter niyang Paul sa pelikulang Mina –Anud kasama sina Jerald Napoles, Mara Lopez, at Dennis Trillo ay kabaligtaran ng lahat ng pelikulang nagawa na niya.

Nasanay tayong lahat na good boy ang aktor kaya inakala nating hindi na siya tatanggap ng role na malayo sa imahe niya.

Si Paul sa Mina-Anud ay mayaman at self-centered guy na puro sarili ang iniisip at kung ano ang magpapaligaya sa kanya.

Masyado niyang mahal ang sarili dahil endorser siya ng isang brand ng corned beef at dahil sikat sa mga kaibigan kaya hinahangaan siya ng lahat.

Mahilig sa party si Matteo at sinasamahan ng kalokohan dahil hinahainan niya ng droga ang mga kaibigan, bad influence sa madaling sabi.

Nagulat din kami sa mga eksenang pinag­ka­ka­guluhan si Matteo ng mga babae at threesome pa, bagama’t suggestive ito. Pati mga linya niya tungkol sa babae kapag lovemaking ay nakagugulat. Tawanan ang mga katabi naming nanonood sabay banggit ng pangalan ni Sarah Geronimo.

Hello, sa kakaibang karakter na ipinakita ni Matteo ay iisa lang ang ibig sabihin, may iba pa pala siyang kayang ipakita kaysa palaging good boy.

Looking forward sa mas nakatsa-challenge na role kay Matteo at panahon na rin para mabago ang pagtingin sa kanya sa screen.

Napanood na­min ang Mina-Anud bilang closing film sa Cinemalaya 2019 sa Tanghalang Nicanor Abelardo Main Theater nitong Sabado, Agosto 10 at mapapanood ito sa mga sinehan sa Agosto 21 mula sa direksiyon ni Ker­win Go at ipinro­dyus ng Regal Films, Epic Media, at HOOQ Originals.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …