Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsipot ni James, naka-nega sa Indak 

AYAW ipabanggit ng taong kausap namin ang pangalan niya na hindi nakaganda ang pagsipot ng boyfriend ni Nadine Lustre na si James Reid sa premiere night ng pelikulang Indak produced ng Viva Films na idinirehe ni Paul Alexie Basinillio.

Ang detalyadong sabi sa amin, “sina Nadine at Sam (Concepcion) ang magkatambal sa movie, love interest nila ang isa’t isa. Nawala ang promo ng team-up noong dumating si James kasi siyempre sa kanya ang focus ng fans.  Siyempre sila ni Nadine ang hinihiyawan ng tao, instead of Sam and Nadine.  Anong masasabi mo? Is that a good slant for promo/publicity? Tapos ang nakalagay, suportado ni James si Nadine, o’cmon, huwag na tayong maglokohan.”

Base naman sa lahat ng nakapanood ng pelikula, magaganda ang shots at mala-foreign ang dating. Pero mahahalata na parang iwas si Nadine kapag may intimate scene na sila ni Sam.

Kaya tinanong kami ng aming kausap, “seloso ba si James? Hindi naman ‘di ba?”

Baka naman inimbitahan ng Viva promo team si James bilang suporta nga dahil hindi naman siguro pupunta ang aktor kung walang imbitasyon at alam din naman niya ang protocol pagdating sa mga ganitong premiere night.

Anyway, umi-Indak ang panahon kasabay ng pagbagsak nang malalakas na ulan at baha sa mababang lugar sa Metro Manila kaya maagang umuuwi ang mga estudyante at empleyado na target audience ng pelikula nina Sam at Nadine.

Naniniwala kami na kung walang pag-Indak ang ulan at baha, malamang sumabay ito sa tirik ng araw.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …