AMINADONG inangkin at inari ni Atty. Joji V. Alonso ang kuwento ng Belle Douleur kaya wala siyang naisip na ibang direktor na magdidirehe nito kundi siya lang.
Aniya, “I didn’t consider another director for this film because this was the story na gusto kong idirehe bilang first full feature film ko, so sa akin talaga ito. Magiging suwapang na ako in that context. I helped many young filmmakers with their first films and I just thought it was about time to give myself a break and the chance so akin talaga. As far as the title was concerned because it was inspired by the story of a French woman, so somehow its my homage back to her that’s why the title is French.”
Maraming nagulat nang mapanood ang Belle Douleur na idinirehe ni Atty. Joji dahil napaka-sensual at matitindi ang love scenes na malayo sa imahe niya bilang abogada. Paano niya na-imagine kung paano ito gawin?
“Apat ang anak ko ha,” birong sagot kaagad ni direk Joji.
Humirit si Mylene Dizon, “don’t worry, take one naman lahat.”
Sabi ni direk Joji, “may take 2 kasi may nakita na hindi dapat makita kay Kit (sabay tawa).
“Unang-una since May – December ang relationship, so much passion at hindi naman puwedeng walang sex, so ginamit ko ‘yung sex scenes. May progression ang sex scenes ko rito.
“The first nga is lust. It’s their first time. And the second which is a long take of 5 minutes is the passage of time. So ‘yun ang pinakamahirap naming ginawa as in we prepared that 2 days ahead of time and rehearsals ilang oras kasi mahirap kung ulit-ulitin and then, last one is actually my representation of Elizabeth’s freedom. So walang damit.”
Sa parte ni Kit ay okay lang sa kanya ang walang plaster pero si Atty Joji mismo ang nagsabing maglagay.
“Pinag-plaster ko si Kit kasi ayoko naman siyang makitaan, mayroong nakita pero binura ko! Ano kasi si Kit malayo pa ang mararating ng batang ‘to, so ayaw ko namang gawin ‘yun sa kanya,” pahayag ng direktora.
Tinanong kung ano ang nakita kay Kit, “it’s part of the organ,” diretsong sagot nito.
Hirit ni Mylene, “yung baga, lumabas ‘yung baga (testicles).”
Nagtawanan ang lahat sa mediacon ng Belle Douleur.
Pero inamin ni Atty. Joji na sinadya niyang diliman ang ilang kuha na medyo sensitibong eksena na.
Bakit si Mylene ang nag-iisang choice ni Atty. Joji? “Mura lang daw siya, ha, ha, ha. Magaling si Mylene na artista. She drew so many emotions. At siyempre, gusto ko ‘yung lead actress ko is beautiful and sexy. So those combined, I could not go wrong with a Mylene Dizon.”
Dagdag pa, “sobra akong grateful kay Mylene kasi tinulungan niya akong matupad ‘yung gusto kong gawin, salamat My (tawag sa aktres) ha.”
Mapapanood na ang Belle Douleur sa Agosto 14 nationwide handog ng Quantum Films, Dreamscape Digital, at iWant.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan