Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Belle Douleur, pinalakpakan sa Cinemalaya’s Gala Night; Atty. Joji, pwedeng best director

SPEAKING of Atty. Joji Alonso ay nakabibinging palakpakan ang narinig namin pagka­tapos mapa­nood ang  Belle Douleur  sa Gala Night nito sa pagbu­bukas ng Cinemalaya 2019 nitong Sabado.

Puring-puri si Atty. Joji bilang direktor ng pelikula nina Mylene Dizon at Kit Thompson kasi naman ang ganda ng pelikula, ang ganda ng shots, usaping teknikal maayos, walang butas pati sa story-telling, may closure at hindi bitin. Hindi ka mapapaisip paglabas mo ng sinehan.

Ang ganda ng kuha ni direk Joji sa love scenes nina Liz at Josh, nakakai-in-love as in dahil ang sexy-sexy nina Mylene at Kit.

Sinong magsasabing 45 years old na ang aktres at 22 na­man ang aktor? Bagay nga sila sa screen, hindi mo iisiping ganito kalaki ang age gap nila.

Matatawa, maiiyak, mai-in love, at manghihinayang ka sa Belle Douleur, sama-samang emosyon ang naramdaman namin habang pinanonood namin ito totoo nga, Beautiful Pain ang ending.

Sa mga hindi makakapanood ng Belle Douleur sa CCP, abangan ito sa mga sinehan dahil ipalalabas ito na nakakuha ng R-16 sa MTRCB.

Para sa amin si Mylene ang Best Actress, Best Picture ang Belle Douleur, at Best Director si Atty. Joji. Si Kit, kung hindi man manalo sa Cinemayala15th year ay tiyak na mananalo siya sa ibang award giving body.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …