ANG ganda ng ngiti ni Tony Labrusca nang makatsikahan namin siya sa set visit ng seryeng Sino ang May Sala: Mea Culpa na isang linggo na lang dahil pagkatapos nito ay may ibang projects naman siyang gagawin.
Aniya, “well, I’ll always tell people asking me that ‘why do you have so many projects?’ What I say is that, it’s just your time, you know. When I started in showbiz, Vice Ganda told us that it’s just a perfect timing being in the right place at the right time, being ready when it’s your turn, maybe all my stars align. Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga.”
At mukhang nagustuhan ni Vice Ganda si Tony dahil siya ang kinuhang leading man sa pelikulang Momaland na entry ng Star Cinema at Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival.
“Super excited si mama Vice ‘yan,” saad ng aktor.
At nabanggit na noong sumali palang si Tony sa Pinoy Boyband Superstar ay nahalata nang nagustuhan siya ni Vice na isa sa mga hurado kasama sina Yeng Constantino, Sandara Park, at Aga Muhlach.
Inamin ni Tony, “hindi po ako sure kung isa ako sa mga manok ni mama Vice pero that competition was a huge part of my career and I’ll always be thankful to Vice and the rest of the judges, they taught me a lot.
At dahil leading man na si Tony ni Vice at okay ba sa kanya ang sensitive scenes, “oh my gosh! You know what, I think mama Vice is looking at my best interest as well and I think she’s out there to take care of me. I don’t think she’ll make me do anything that I will personally feel uncomfortable with. If ever that may ganu’n scene, pag-uusapan muna namin ‘yun and si Mama Vice as you all ay isa sa pinakamabait at open minded na tao sa showbiz,” paliwanag ng aktor.
Samantala, sa anim na magkakaibigan sa Sino ang May Sala: Mea Culpa ay inamin nina Tony, Keith Thompson, Sandino Martin, at Bela Padilla na hindi pa alam kung sino sa kanila ang ituturong pumatay sa kaibigan nilang si Bogs (Ketchup Eusebio) dahil lahat silang mga kaibigan ay may ipinagawa para masabing sila nga ang pumatay. Pati sa kung sino ang pumatay sa nanay ni Fina (Jodi Sta. Maria) na si Janice de Belen (Amor) ay malalaman na rin.
Mabigat ang last week ng Sino ang Maysala: Mea Culpa kaya ito ang pinaghahandaan nilang lahat pero bago mangyari ‘yun ay inamin nilang nami-miss nila ang lahat ng mga karakter nila.
Anyway, abangan ang natitirang dalawang linggo ng Sino ang Maysala: Mea Culpa simula nitong Lunes sa ABS-CBN at para sa updates, I –follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter at Instagram o kaya ay bisitahin ang www.abscbnpr.com. Sa mga hinidi naman nakapanood sa regular viewing time ay maari itong mapanood sa iWant anumang oras.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan