Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria to Rei — The best thing in her is her heart

SA wakas napabilang na rin si Ria Atayde sa Beautederm family bilang isa sa ambassadors dahil matagal na siyang inaawitan ng CEO at may-aring si Rhea Anicoche-Tan at ngayong 2019 lang nagkasarahan.

Mas nauna pang magkaroon ng franchise ang dalaga na Skin & Beyond by Beautederm na matatagpuan sa Lifescale Building J.C. Aquino Avenue, Butuan City kapartner ang nanay niyang si Sylvia Sanchez at mga kaibigang tubong Butuan din.

At ngayon, may bubuksang bagong Beautederm branch sa Quezon City na silang mag-ina naman ang partners. Bukod sa beauty cream, ine-endoso ni Ria ang Beaute Balm with Shea Butter and Tea Tree Oil at Au Revoir Skin Soothing Oil na hindi nawawala sa kanyang pouch bag.

Klinaro ng aktres na hindi siya umiinom ng Slender Sips, “because I have ulcer. I’m acidic po kaya bawal po ako ng coffee.”

Napaka-generous ni Ms Rhea sa mag-iinang Sylvia, Arjo, at Ria dahil ibinahagi nito ang success sa kanyang negosyo. Sabi ni Ria, “What’s the best thing about Mommy Rei – her heart. She’s very supportive. She’s so generous. Parang hindi pa talaga ako endorser pero she already made me feel na I’m already part of the family.

“Para talaga siyang nanay sa aming ambassadors niya. I’m also very grateful for her love and to our family as well.”

Isa si Ria sa artists ng Star Magic na inilunsad kasama nina Carlo Aquino, Matt Evans, Ejay Falcon, Alex Castro, Hashtag Ryle Santiago, Jane Oineza, at Kitkat nitong Linggo sa Seda Hotel Vertis North.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …