Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, trending dahil sa Enough

HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 416k ang nag-like at 21.1k ang komentong nabasa namin sa ipinost ni Bea Alonzo na blangkong itim sa kanyang Instagram account nitong Linggo ng gabi

“You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH.”

Halatang ang boyfriend niyang si Gerald Anderson ang pinatutungkulan ng aktres dahil bago pa siya nag-post ay may nag-post na netizen ng litratong kasamang umalis ng aktor si Julia Barretto mula sa birthday party ni Rayver Cruz nitong Sabado sa The Revel Bar, Bonifacio Global City.

May mga netizen na hindi naniwala kaya ipinost ni Kath Cabrera ang nasabing litrato.

Ang caption ni @cabrera.kath, “Para sa lahat ng ngsasabi na nagssinungaling ako and naninira lang. NOPE. I’m not lying. And ano mkkuha ko du’n? There you go! Yan nlng ipakita ko.

“Hindi lang keme friends dahil bday ni rayver. Hello. They went on the same car together alone and iba gestures nila.

“Tinatago man halata padin OKAY. I dont like to assume or judge pero kawawa kase and sobrng manloloko. I already sent a message to bea. Clearly we don’t know all the details kung ano man nangyayare in their real personal life.

“Pero one thing is for sure. HE DOESN’T DESERVE BEA ALONZO!

“After everything ginawa nya. Minahal and hindi sya jinudge sa past nya sa gnwa nya sa mag bestfriend (kimm and maja)

“Minahal nya padin even nung ngkamovie sila ni Pia.

“Niloko nya pero pinatawad at mas lalong nya pdin minahal.

“She even organized a surprise birthday party for him. Nakakaloka.

“Ano lahat nlng ba ng leading lady nya lalandiiin nya or jojowain nya? Ganon ba yun?

“Sabi nga nila, Once a cheater always a cheater.

“I adore and love bea so much. I hope masakit man o mahirap, sana hiwalayan nya na ng tuluyan si Gerald.

“With regards to Julia B. kung ano man reason nya selfcare selflove keme bestfriend sila ng ex nya bahala sya. I don’t care.

“Basta we are here for bea. We love her and she deserves better #beaalonzo #geraldanderson

“She liked my photo and posted a confirmation ’ENOUGH’”

As of this writing ay walang official statement na nanggagaling kina Gerald at Bea at hindi rin dumalo ang aktres ng Scriptwriting class niya nitong Linggo.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …