Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosanna Roces

Osang, ‘mabenta’ sa Pista ng Pelikulang Pilipino

ANG tarush ni Rosanna Roces dahil kung hindi niya tinanggihan si Sue Ramirez bilang anak niya sa The Cuddle Weather, entry ng Project 8 corner San Joaquin Projects sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino ay mapapanood sana siya sa apat na pelikula.

Komento ni Osang sa ipinost naming posters ng mga pelikulang kasama sa PPP3, “Buti tinanggihan ko ‘yung kay Sue bilang nanay niya, kundi apat na pelikula ko riyan sa ‘PPP’.”

‘Talaga, bakit ka tumanggi?’

“Puno na schedule ko,” kaswal na sagot ng aktres.

Sa G! (Cineko Productions) ay gaganap na nanay ni Jameson Blake si Osang; karakter na Vilma naman siya sa Panti Sisters (Idea First Company/ALVFilms/BlackSheep) at nanay ni Christian Bables; samantalang sa Circa ay, “anak ako ng artistang pinasikat ni Dona Atang (Anita Linda),” saad nito.

Oo nga naman puno na talaga ang schedule ni Osang dahil bukod sa mga nabanggit na pelikulang tatlo ay abala rin siya sa taping ng dalawa niyang seryeng Los Bastardos na umeere ngayon at Project Kapalaran na malapit na ring umere na parehong kabilang sa RSB Unit.

‘Natutulog ka pa ba?’

“Mayroon pa naman, ha, ha, ha.  Kailangang kayanin, eh alam mo na,” sagot ni Osang.

Lagi kasing naoospital ang nanay ng aktres at siya ang inaasahan ng pamilya kaya kayod marino siya.

Ipinangako naman ni Osang sa sarili na mabigyan siya ng tsansa ay pagbubutihin na niya na nangyayari naman dahil kung hindi, eh, hindi siya uulanin ng offers.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …