PINAGDUDAHAN ang pagso-sorry ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor kay Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte at kung hindi pa ba tapos ang usapin sa speakership sa Kamara.
Maalalang nakunan ng retrato at video ang screen ng smartphone ni congressman Defensor at ito ang nilalaman: “Hi sir! I have the go signal of Mayor Inday to publish. ‘Kaya nanawagan siya ngayon sa lahat ng mga congressmen na bomoto ayon sa kanilang kagustuhan dahil ang kanyang ama ay na-set-up lamang ng mga gahaman na gabinete na kaalyado ni Cayetano.’ – Mayor Inday.”
Ayon kay Defensor ay pinadala ito ng isang bagong luklok na kongregista na taga-Davao na umano’y “very close” kay Mayor Sara.
Naganap ito sa nakaraang farewell party ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Dito nagalit si Mayor Sara at pinagsabihan si Defensor na itigil na ang intriga at sabihin kung kanino galing and text message para malaman ng taong bayan ang katotohanan.
“A responsible individual would have asked me if there is truth to that text,” naging pahayag ni Inday Sara sa isang press statement noong Miyerkoles.
Kasabay ng pagbubunyag na natataranta na si Defensor ilang oras bago maganap ang pag-uusap sa Malacañang tungkol sa term-sharing na tumawag pa raw upang ipilit pa rin ang manok nitong si Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker.
Nang matapos ang meeting, muli raw tumawag sa kanya ang kongresista at tinutuligsa ang nabuong term sharing decision sa palasyo kaya ‘di na lang daw binigyan pansin ni Mayor Sara.
Nag-sorry si Defensor kay Sara pero mukhang hindi sinsero dahil hindi niya pa rin ibinisto ang kanyang source.
Hanggang ngayon, hindi pa rin tinatanggap ng Davao City mayor ang public apology ng mambabatas.
Malinaw na hindi katanggap-tanggap kay Defensor ang desisyon ni Presidente Duterte.
Dito nag-aalala ang ibang political analysts na sinasabi ni Albay Rep. Joey Salceda na susuportahan lang nila si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang House speaker kung ibibigay sa kanila ang mga pinupuntirya nilang puwesto.
Maaring umaasa sila na mababago pa ang sitwasyon kung magsasalita lang si Mayor Sara, na ayon sa kanila ay baka si congressman Mike Defensor lang ang nag-imbento ng misteryosong text message?