Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Sen. Grace Poe, ‘Ombudsman’ ng train commuters

NAPANSIN ba ninyo na panay-panay na naman ang aberya ng MRT?  May ilang pagkakataon din na pumapalya ang LRT. At siyempre ang la­ging talo rito ang ating mga kababayan na nakadepende sa mass transport.

Mukhang magtutuloy-tuloy na naman ang mga aberyang ito. At ‘pag nagkaganito nga, tuloy-tuloy rin ang pahirap sa ating riding public.

At sa tuwing may ganitong mga aberya, lagi na lang nating naaalala ‘yung mga binitiwang pangako ng Department of Transportation na soso­lusyonan nila ito sa lalong madaling panahon.

May ilan tayong mga politiko na sadyang nakatutok din sa napakahalagang isyung ito at nakabantay sa anumang development.  At isa na nga riyan ay si Senador Grace Poe na muk­hang ginawa nang personal advocacy na mapa­saayos ang mass transport system sa bansa na magbibigay ‘di lamang kaginhawaan sa bawat commuter kundi magdudulot din ng pag-improve ng ekonomiya ng bansa.

Tiwala si Grace na kapag maayos na naihatid sa kanilang mga tanggapan ang mga manggagawa at empleyado ay maayos nilang magagawa ang kanilang trabaho, at magiging mas produktibo. Hindi iyong papasok pa lang sa trabaho ay amoy pauwi na ng bahay.

Dahil sa kanyang malasakit sa mga pasahero ng MRT, LRT, PNR, hindi posibleng bansagan na siyang “Ombudsman” ng train riders. Ombudsman dahil nakabantay nga at siyang magpo-police sa mga hindi magandang nangyayari sa transport system at sa mga commuter.

Sa nakalipas na mga taon, hindi inabandona ni Grace ang kanyang adbokasiya para matiyak na mapaganda ang operasyon ng train system sa bansa. Mabuti na lang at nabigyan siya ng panibagong anim na taon pa sa Senado.

Walang tigil ang pagsusulong ng senadora na mapareporma at ma-modernize ang train system. Kaya nga upak na naman ang inabot ng mga opisyal at pamunuan ng DOTr dahil sa mga kapalpakan sa MRT.

Mukha na namang kontrabida ang senadora sa DOTr dahil sa kanyang pangungulit at pagsusulong ng kapakinabangan ng daan-daang libong commuter.

Sa totoo lang, naniningil lang naman si Grace sa mga naunang pangako ng DOTr na mapapaganda na nito ang serbisyo sa MRT at hindi na magiging kalbaryo sa mga pasahero ang pagsakay rito araw-araw.

E, nasaan na nga ba ang mga pangakong ito ng DOTr.  Mukhang hanggang daldal na lang talaga itong si Transportation Sec. Art Tugade.

Bukod sa pagsusulong sa kapakanan ng mga train riders, may iba pang importanteng adbokasiya na sabay na isinusulong si Grace gaya ng libreng pananghalian sa mga mag-aaral, komprehensibong care package para sa mga nanay at sanggol.

Matapos manalo sa nakaraang eleksiyon at makakuha ng 21 milyong boto, maaaring gustuhin ni Grace na magpabandying-bandying na lang muna, pero mas pinili na mangulit sa mga ahensiyang pasaway gaya ng DOTr para sa kapakanan ng mamamayan.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *