Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Planong pagreretiro ni Piolo, ‘di na itutuloy; Dahilan ng pagpapahaba ng buhok, ibinahagi

MAY dahilan naman pala kung bakit parating nagpapahaba ng buhok si Piolo Pascual kapag wala siyang project.

“Kasi natatakpan ‘yung mga puting buhok ko para hindi ako tina ng tina (nagpapakulay),” say ng aktor.

Hindi naman niya itinanggi na may mga grey hair na siya kaya sa pamamagitan ng pagpapahaba ng buhok ay natatakpan ito. Pero kapag may project siya na kailangan ng maigsing buhok, wala siyang choice kundi pagupitan ito.

Hindi naman na itinuloy ni Piolo ang pag-aaral ng filmmaking sa Europe tulad ng sabi niya sa mga panayam niya bago siya umalis ng Pilipinas.

“Well originally, I’m supposed to study filmmaking with Joyce (Bernal) but last minute we decided to just go on a vacation all honestly because we realized the course that we’re gonna take up was same as what I’ve been doing in the last couple of years in my workroom as an artista. 

“I wanted to produce movies but at the end of the day was what more important is rest, to recharge, to reset and to be able to appreciate the kind of life that I have here so ginawa kong way ‘yun for me to not just hibernate but to take a step back and to just really appreciate what you have in life. So bumalik ako ngayon na mas masaya ako sa ginagawa ko, you appreciate the kind of work that you have and the people around you and parang bago ulit, parang bagong artista ulit,” paliwanag ni PJ.

Napag-isipan ding hindi na niya itutuloy ang planong mag-retiro na nabanggit din niya noon bago siya tumuntong ng 40, ”it was a stupid thing to think of. What I’m gonna do ‘pag nag-retire ka at a young age? Just want to prove point to myself realizing being away for two months’ mas na-appreciate ko ‘yung trabaho, nagkaroon ako ng value sa ginagawa ko, na-appreciate ko ‘yung anak ko the way that we have a relationship at saka ‘yung sa ABS-CBN.”

Sa madaling salita, pareho sina Piolo at John Lloyd Cruz ng naramdaman kaya biglang nawala ang huli sa showbiz.

“I cannot speak for him, but just the same siguro pareho rin kami ng tinahak ni Lloydie, it’s just so happened na magkaiba siguro kami ng reaksiyon but personally it’s just something that I needed for myself,” tugon ng aktor.

Ang saya ni Piolo nang magkita sila ni Lloydie kasama si Bea Alonzo para sa contract signing ng shawarma brand.

“Siyempre na-miss ko si Lloydie ‘di ba? Bigla na lang nawala! I’m so happy na he’s back and I’m so happy na an endorsement that I truly appreciate and I believe of course, sana tuloy-tuloy na,” say ni Papa P.

At ang kumalat sa online na may reunion project sina Bea at JLC ay TV shoot pala ng nasabing shawarma brand.

Samantala, sa ginanap na mediacon ng Sunlife Kaakbay sa Buhay sa Sofitel Philippine Plaza Manila ay may mga ipinakitang video clips ng mag-amang Piolo at Inigo simula noong bata siya na laging nasa tabi ang ama.

Ang nasabing video clips ay mapapanood sa Youtube thru Sunlife Kaakbay sa Buhay ngayong Hulyo.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …