Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lea, dagdag at ‘di kapalit ni Kris sa pag-eendoso ng sabong panlaba

PAGKATAPOS sagutin ni Kris Aquino ang netizen na nagtanong sa kanya kung nasa Ariel detergent pa siya ay si Lea Salonga naman ang tinanong kung pinalitan na niya ang una bilang endorser ng nasabing detergent powder.

Base sa panayam ng PEP kay Lea kamakailan, nagulat siya sa tanong na siya na ang bagong nageendoso ng sabong panlaba na mahigit isang dekadang inendoso ni Kris.

Aniya, ”Why? I don’t understand why because I’m doing a different variety of Ariel, introducing ang brand new variety, a brand new variant, a brand new thing. It’s not a replacement, it’s addition! So if anything, I think the fans of the commercials of the product should be glad that, ‘o here’s another option for you to maybe try and hopefully enjoy also.’ I’m an also (endorser), I’m not replacing anybody.”

Klaro ang pahayag ni Lea na wala siyang pinalitan kundi dagdag siya bilang endorser dahil may bagong variant ang Ariel.

To date ay napapanood pa namin ang Ariel TVC ni Kris at puwedeng sabihing tinatapos na ang kontrata niya sa Procter and Gamble.

Tama si Lea na additional siya bilang endorser ng nasabing sabon panlaba at ipinakikilala niya ang bagong dagdag na produkto ng  detergent.

Nakausap si Lea sa set visit ng nagbabalik na reality show na The Voice Kids sa ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …