NA-CURIOUS ang fans at Instagram followers ni Kris Aquino nang lumabas ang bagong TV commercial ng Ariel na tampok si Lea Salonga. Kaya naman isang netizen ang nagtanong at nag-usisa kay Kris ukol sa naturang endorsement, na for the longest time ay inendoso ng Queen of All Media.
Ayon sa netizen sa IG comments ng isang post ni Kris, ”@krisaquino binitiwan na po ba kayo ng Ariel? Although i love Miss lea too. I using ariel mula nun kahit dito ako sa ibang bansa pumupunta ako sa phil prod at bumili mabango kc.”
Sagot naman ni Kris, ”i have been taught GRATITUDE. i have had a wonderful, bilangin natin, 14 years (2005 was the 1st Pantene TVC) with @proctergamble. i have NEVER been selfish. Very blessed though, shooting on Thursday with @unilever. Umiikot ang mundo. And sincerely HAPPY where i am and with the endorsements i have. God has been so good. Several new ones with multinational and trusted local ones confirmed & with the contracts already being reviewed by DIVINA LAW. So let’s thank God for what’s here and what’s coming okay?”
Actually, kahit pinalalabas na ang Ariel TVC ni Lea, may pagkakataong napapanood pa rin namin ang TVC ni Kris. At sa isa pang commercial ng nito na tampok ang isang ordinaryong misis, nabanggit nito sa dialogue si Kris. Iba naman kasi talaga mag-endorse si Kris.
Thankful and happy lang si Kris na sa kabila ng pagsasapubliko niya ng kanyang autoimmune disease ay marami pa ring mga kompanya at brands ang nagtitiwala sa kakayahan niya bilang product endorser at ambassador.
PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga