“SPELL CONFIDENTIAL. #Respetonaman,” ito ang post ni Film Development Council of the Philippines Chairperson, Liza Diño kamakailan.
Nagkaroon kasi ng meeting si Dino noong Sabado, Hunyo 29 sa filmmakers at filmproducers at nabanggit ang mga pelikulang pinagpipilian para sa ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.
“We’re still in the middle of shortlisting films, so meaning, we’re still deciding on the final line-up,” say ni Ms Dino.
Nauna nang ianunsiyo ang tatlong pelikulang kasama, ang Cuddle Weather, The Panti Sisters, at LSS.
Laking gulat niya na walang 24 oras ay may leakage nang lumabas para sa limang pelikula na kasama sa PPP3 na gaganapin ngayong Setyembre.
Nairita rin ang isa sa hurado sa pagpili ng mga pelikulang kasama sa PPP na si Direk Joey Reyes kaya nag-post siya sa kanyang FB page ng ”Now, 2 of the finished films selected for Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 are in hot water for BREACH OF CONFIDENTIALITY.”
Chinat namin si Ms Liza kung sino ang duda nitong nagkalat ng leakage pero hindi kami sinagot pa.
Samantala, sa Hulyo 11 ng tanghali naman iaanunsyo ang limang finalists para sa PPP3 kasama na rin ang Sine Kabataan Short Film Competition Filmmakers at makakasama rin ang mga artistang bibida sa bawat pelikula.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan