ISINULONG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangalaga sa migrant workers at persons with disabilities (PWDs) sa buong ASEAN region.
Sa Plenary intervention ni Pangulong Duterte sa 34th ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand, sinabi niyang habang isinusulong ng ASEAN Countries ang mobility ng bawal mamamayan ay hindi dapat kalimutan ang pagprotekta sa kapakanan at karapatan nila.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte na dapat ay magpatupad ang ASEAN ng mas maraming hakbang para labanan ang human trafficking at pagsusulong ng Karapatan ng migrant workers at persons with disabilities. Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na dapat ay magpatuloy ang ASEAN sa pagsusulong ng people-to-people connectivity sa rehiyon na magbibigay daan sa mas matatag na ASEAN Community.
(Rose NOVENARIO)