Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

18-anyos estudyante patay sa pananaksak ng kasintahan

SINAKSAK hanggang napatay ang 18-anyos babaeng estudyante ng sinabing kasintahan sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Grace Ruth Seguerra, dalaga, ng Purok 2, Barangay Cupang, Muntinlupa City, sanhi ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad naaresto ng awtoridad ang suspek na sinasabing nobyo ng biktima na si Ashlanie Birol, 18, binata, estu­dyante, ng Purok 1, Barangay Alabang sa nasabing lungsod.

Sa pagsisiyasat nina P/CMSgt. Manuel M. Amodia Jr., at PSSG Trefilo Tingal, ng Criminal Investigation ng Mun­tinlupa City Police, natagpuan ng tinderang si Mary Grace Belediano, 42, ang duguang bangkay ng dalaga sa maramong lugar sa Purok 6, Baywalk, Bgy. Bayanan sa naturang siyudad, dakong 8:30 pm.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagtitinda ng softdrinks at biskuwit si Belediano sa lugar nang  makarinig ng nagsi­sigawan at nag-aaway mula sa hagdan ng Bay­walk.

Makalipas ang ilang minuto, nakita ni Bele­diano ang suspek na nagmamadaling umalis sa lugar, na may sugat sa mukha at maraming dugo sa katawan.

Dahil dito, tiningnan ni Belediano ang lugar at  nakita niya ang bikti­mang dalaga na puno ng  dugo sa damuhan.

Kaagad humingi ng tulong ang tindera sa mga tauhan ng Police Com­munity Precinct (PCP-2) kaya mabilis na naaresto ang suspek na hindi pa nakakalayo sa nasabing lugar. Sa report ng puli­sya, isang crime of pas­sion ang naturang  kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …