Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boss, araw-araw nagpapa-kiss sa mga empleyada

ISANG boss ng isang kompanya sa Beijing, China ang inulan ng batikos matapos mapabalitang pinupuwersa niya ang kanyang mga babaeng empleyado na humalik sa kanya tuwing umaga.

Bilang patakaran ay pinapipila ng hindi na kinilalang lalaki ang kan­yang mga empleyadang babae tuwing 9:00 hang­gang 9:30 am upang isa-isa silang makipag-lips to lips sa kanya.

Ayon sa boss, ginagawa niya ito upang mapabuti ang relas­yon sa pagitan ng mga namamahala ng kom­pan­ya at ng mga emple­ya­do.

Sa una ay tutol ang mga kababaihan sa gustong mangyari ng kanilang boss ngunit tinanggap na rin nila ito sa takot na mawalan sila ng trabaho ayon sa ulat ng China press.

Higit sa kalahati ng mga empleado ng kompanya ay pawang mga kababaihan ngunit dadalawa lang sa kanila ang tumutol sa bagong patakaran at tulu­yang nag-resign.

Nagdahilan naman ang boss na ginaya lamang daw niya ang kanyang pata­karan sa mga kaugaliang nadatnan niya sa Amerika nang siya’y minsang bumi­sita roon.

Idinagdag niyang naging maayos daw ang relasyon niya sa kanyang mga empleado simula noong hinahalikan na niya araw-araw.

Hindi naman bumenta ang paliwanag ng boss sa milyon-milyong netizens sa China na kinondena ang lalaki dahil sa ginagawa niya sa kanyang mga empleado.

Sinisi rin nila ang mga babaeng empleyado na sa tingin nila ay pumapayag sa kabastusan ng kanilang boss dahil sa kanilang patuloy na pananatili sa kompanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …