Tuesday , April 29 2025
Sipat Mat Vicencio

Mag-ingat si Sotto kay Villar

KUNG inaakala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na wala nang banta sa kanyang posisyon bilang lider ng Senado ay nagkakamali siya. Hindi kailangan maging kampante si Tito Sen at dapat niyang higit na bantayan ang kanyang kasalu­kuyang puwesto.

Kailangan malaman ni Tito Sen na panan­dalian lamang ang pamumuno niya sa Senado at huwag umasang hindi siya kayang patalsikin sakaling gustuhin ng nag-aambisyong grupo na palitan ang Senate leadership.

Kung tuusin, kayang-kayang maglunsad ng kudeta ang mga senador kung nanaising patalsikin nila si Tito Sen dahil sa kasalukuyan ang kabuuan ng mayorya ng mga senador ay pawang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at presidential daughter and Davao City Mayor Sara Duterte.

Kaya nga, hindi dapat magkamali si Tito Sen na suwagin ang kagustuhan ng kasalukuyang administrasyon lalo ang priority bills ni Digong.

Madaling mapapatalsik  si Tito Sen lalo na ngayong mayroong nakaabang na senador na maaaring ipalit sa kanya.

Ang paglutang ng pangalan ni Senator Cynthia Villar na siyang kapalit ni Tito Sen ay mayroong katotohanan at dapat niya itong tang­gapin. Hindi iilan ang nagsasabing ang ambisyon ni Villar sa 2022 presidential elections ang dahilan para maalis si Tito Sen sa kanyang puwesto.

Hindi pa ba sapat ang ginawa ni Cynthia nang lusubin at komprontahin niya sina Senator Manny Pacquiao at Koko Pimental at pagsabihan na hindi dapat ginawa ang panawagang pagpapalagda sa mga senador para suportahan ang kasalukuyang lider.

Galit na galit si Cynthia at tuluyang hindi siya lumagda sa nasabing panukala ni Pacquiao.

Napakahalaga ng posisyon ng isang Senate president dahil bukod sa higit na exposure o propaganda ang makukuha nito, madaling maisusulong ni Cynthia ang kanyang mga panu­kalanag batas na maaaring pakinabangan ng kanyang mga kababayan.

Ang resulta rin ng nagdaang eleksiyon na nag-number one si Cynthia ay malaking bagay dahil higit na magiging maganda ang imahen ng senadora kung maluluklok siya bilang bagong Senate president.

At sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo, asahang hindi magtatagal ang liderato ni Tito Sen dahil  pabor ang mga senador sa pangu­nguna ng grupo ni Senator Francis Tolentino na maagaw ang liderato ng Senado at tuluyang iluklok si Cynthia.

Sa mga susunod na buwan, malamang na mayroong idedeklarang bagong Senate presi­dent at tiyak na sa katauhan ito ni Villar.

Ang suwerte naman talaga ng bilyonarya!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *