Saturday , May 10 2025

Velasco will not be a good house speaker — political analyst

TAHASANG sinabi ng isang political analyst na hindi magiging magaling na lider ng Kamara kung si Marin­duque representative Lord Allan Velasco ang mauupong House Speaker.

Ikinompara ni UP Professor at kilalang political analyst Ranjit Rye si Velasco kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Aniya, produktibo ang 17th Congress sa ila­lim ng pamumuno ni Ar­royo dahil sa klase ng kanyang leadership, hindi man abogado ay mala­wak ang experience sa legislation dahil naging pangulo, vice president at senador.

Kung si Velasco uma­no ang magiging kapalit nito ay magiging kaawa-awa ang Kamara dahil wala sa kanya ang kali­pikasyon ng magaling na lider.

Sinabi ni Rye, apat na katangian ang pangu­nahing hinahanap sa isang Speaker, una ay competency o may mastery of the rules, experience, credibility at gravitas o respetado sa lahat ng sektor na pawang wala umano kay Velasco.

Kung si Leyte Rep. Martin Romualdez uma­no ang maihalal na House Speaker bagama’t may experience bilang mam­babatas ay mayroong high­ly controversial back­ground dahil na rin sa pagiging malapit na ka­mag­anak ng Marcoses.

Ani Rye, kapwa financial strength at connection sa business group ang nakikita ni­yang kalipikasyon nina Romualdez at Velasco ngunit hindi ito ang dapat na maging sukatan sa pagpili ng susunud na House Speaker kundi naka­tuon dapat sa apat na criteria at values.

Kompara kina Ro­mual­dez, Velasco, at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, matunog na tatakbo bilang House Speaker, mas pabor ang political analyst kay Ca­yetano batay na rin kanyag karanasan at respetado sa lahat ng sektor sa loob at labas ng bansa na mahalaga sa isang lider.

Umasa si Rye, boboto ang mga mambabatas batay sa competency at credibility ng isang Speaker at hindi base sa koneksiyon nito sa business sector.

“Lahat naman ng kandidato sa Speakership ay passionate to serve the people, lahat sila may ties to the President pero hindi lahat ay kalipikado, alam naman ng ating mga mam­babatas at ng publi­ko kung sino ang kali­pikado at sana ay ipokus ang pagpili sa Speaker base sa kalipikasyon,” giit ni Rye.

Una nang iniuugnay ang pangalan ni Velasco sa vote buying para sa Speakership matapos ibun­yag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may suhulan sa speaker­ship nang hanggang P1 milyon bawat mamba­batas kapalit ng boto at ang kaanak ni Velasco na isang tycoon ang sinasa­bing financier nito.

Ibinabatikos din kay Velasco ang pagiging ba­lim­bing matapos lumitaw na noong 2016 Presiden­tial Election ay si Sen Grace Poe ang kanyang ikinampanya at sinu­portahan at hindi si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte.

Si Poe rin ang number one sa Marinduque nitong nakaraang 2019 elec­tions. Ang Marinduque ay baluwarte ni congress­man Velasco.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Dayuhan nagpanggap na cosmetic surgeon nasakote sa QC

ARESTADO ang isang Vietnamese national na nagpanggap bilang cosmetic surgeon at nagpapatakbo ng isang aesthetic …

Dead Road Accident

Sa Iloilo
JEEP TUMAOB 9 SUGATAN

SUGATAN ang siyam katao nang tumaob ang isang pampasaherong jeep sa bayan ng Leon, sa …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Higit 12,000 pulis sa Gitnang Luzon nakatalaga para sa Eleksiyon 2025

MAHIGIT 12,000 pulis mula sa Police Regional Office 3 (PRO3) ang kasalukuyang naka-deploy na sa …

cyber libel Computer Posas Court

Sa Bulacan  
2 Chinese nationals tiklo sa cybercrime

PINAIGTING ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang operasyon laban sa cybercrime sa buong …

Bong Revilla Jr

INC inendoso si Bong Revilla

NAGPASALAMAT si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., nitong Huwebes, 8 Mayo, sa  Iglesia Ni Cristo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *