Friday , November 22 2024

Pinoy project, napili para sa Switzerland Film Co-Production Program

KASAMA ang pangalawang feature project na Some Nights I Feel Like Walking ng film director na si Petersen Vargas sa Open Doors Hub Program ng Locarno Film Festival ngayong taon sa Switzerland.

Ang Open Doors Hub Program ay itinatag 17 na taon na ang nakalilipas, at ito ang industry sidebar ng Locarno Film Festival. Ang mga napiling director at producer na sasali sa programang into ay ime-mentor at magkakaroon ng pagkakataong makipag-network sa potential international distributors at partners. Ngayong taon, walong (8) promising projects mula sa Southeast Asia ang ilalahok sa programa para sa international collaborations.

Ipinagmamalaki ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang film agency ng Pilipinas, ang pagbibigay ng karangalan nina Vargas at ng kanyang team sa bansa.

“Focused kami ngayon more than ever sa pag-encourage sa ating Philippine fimmakers at talents na tahakin ang international route, at ang Open Doors Hub ng Locarno ang magbibigay sa ating filmmakers at sa kanilang projects ng platform para maisakatuparan ang layuning ito. Proud kami kay Petersen, at wish namin ang best sa paghahanap nila ng potential international collaborators sa program na tutulong sa kanilang isasa-pelikulang project,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO Mary Liza Diño.

Nanalo ng best picture ang coming-of-age debut feature na 2 Cool 2 Be 4gotten ni Vargas sa Cinema One Originals Film Festival 2016. Kasama naman ang Some Nights I Feel Like Walking sa limang (5) projects na napili para sa pangatlong edition ng Southeast Asia Fiction (SEAFIC) Film Lab, isang intensive script development lab para sa Southeast Asian filmmakers. Si Vargas ang unang Filipino participant ng nasabing lab.

Co-produced nina Jade Castro at Alemberg Ang ang Some Nights I Feel Like Walking. Sa kasalukuyan, nasa pre-production stage ang film project.

Sa Director‘s Note, sinabi ni Vargas,  ”Layunin ng pangalawa kong pelikula na maging larawan ito ng bansa (at ng siyudad, inang bayan, at mga tao) tulad ng nakikita sa mga eskinita’t mga anino. Ang paglalakad sa Maynila sa gabi ay isang ‘revelatory peek’ sa mga Filipinong kabataan na nasa laylayan ng lipunan.”

Ang Open Doors Hub ng Locarno Film Festival ay gaganapin mula Agosto 7 hanggang 13, 2019, habang ang 72nd Locarno Film Festival naman ay mangyayari mula Agosto 7hanggang 17, 2019. Ito ang isa sa mga pinakamatanda’t pinaka-prestihiyosong film festivals sa buong mundo na nagtatampok ng arthouse films.

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *