Saturday , November 16 2024

Margaret Ty, patong-patong kaso sa korte

PITONG kaso ng estafa at pag-iisyu ng mga talbog na tseke ang kinakaharap ngayon  sa iba’t ibang korte sa Metro Manila ni Margaret Ty-Cham, ang itinakwil na anak ng yumaong Metro­bank founder George Ty. 

Mga negosyante, alahera, private lenders, banko at maging credit card company ang nag­sam­pa ng mga kasong estafa at paglabag sa Batas Pambansa 22 o Bouncing Checks Law laban kay Ty-Cham.

Isa sa mga nagsampa ng dalawang kasong paglabag sa Bouncing Checks Law ay kompanya ng mag-aalahas sa Greenhills, na noong 2017 ay nagbenta kay Ty-Cham ng iba’t ibang klase ng mamahaling hikaw at iba pang alahas na may kabuuang halagang P6.67 milyon.

Nakapagbayad si Ty-Cham ng P650,000 cash down payment pero nag-isyu ng dalawang tseke na nagkakahalaga ng P6.02 milyon na parehong tumalbog.

Ilang beses humingi ng palugit si Ty-Cham na magbabayad pero walang nangyari kaya siya ay nakasuhan ng dalawang count ng paglabag sa Bouncing Checks Law sa Metropolitan Trial Court ng San Juan City.

Dalawang negosyante pa ang nagsampa ng kasong estafa, na ngayon ay dinidinig sa Makati Regional Trial Court (RTC),  laban kay Ty-Cham.

Naloko umano sila sa pagbabayad ng P12 milyon kay Ty-Cham para sa isang lote ng Metro­bank sa Pasig na hindi ­naman nailipat ni Ty-Cham ang pag-aari sa kanila.

Naghintay nang mahigit isang taon ang dalawang negosyante para maibenta sa kanila ang lote ng Metrobank na matagal na nilang nabayaran kay Ty-Cham.

Pero matapos ang mahabang paghihintay, inamin ni Ty-Cham na hindi na maibebenta ang lote sa kanila dahil nabili na ng iba.

Ayon sa mga nego­syante, napasakamay ni Ty-Cham ang bayad nilang P12 milyon para magastos imbes ibayad sa Metrobank para sa lote na akala nila ay mabibili nila mula sa banko.

Si Ty-Cham ay may mga kaso rin ng paglabag sa Bouncing Checks Law sa  Metropolitan Trial Court of Manila dahil sa tumalbog na tsekeng nagkakahalaga ng  P3.5 milyon na inisyu niya bilang bayad sa utang sa  isang private lending company.

Inirekomenda rin si Ty-Cham na makasuhan para sa paglabag sa Bouncing Checks Law sa Office of the City Prosecutors of Quezon City at naisampa na rin sa  Makati Metropolitan Trial Court ang dalawang kaso para sa parehong paglabag.

Dalawanmg civil case ang isinampa laban kay Ty-Cham sa Makati RTC dahil sa annulment of contract, at dahil sa utang sa credit cards na umabot sa halos P3 milyon.

Noong 2017, o halos isang taon bago yumao ang bilyonaryong George Ty, nagpalabas ng public notice sa mga diyaryo para ipahayag ang pagputol ng relasyon niya sa anak na si Ty-Cham.

Ayon sa public notice na inilabas ni Ty sa pama­magitan ng kanyang mga abogado, walang kinalaman si Ty-Cham sa mga negosyo na kanyang pag-aari dahil matagal nang sira ang relasyon niya rito.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *