Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

House speaker dapat dikit ni Duterte MARGARET TY, PATONG-PATONG KASO SA KORTE

KONTROBERSIYAL ang larawan na kuha mula sa Japan, kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong House Speaker wannabes na sina Taguig Rep. Alan Peter Caye­tano, Marinduque Rep. Lord Allan Velaso, at Leyte Rep. Martin Romual­dez, pero para sa isang political analyst marami man ang naglalaban sa House Speakership sa bandang huli ay kung sino ang nakakasama ng Pangulo sa umpisa pa lamang ang may edge sa labanan.

Ayon kay political analyst Mon Casiple, noon pa man ay tahimik ang Malacañang sa isyu ng pagpili ng House Speaker at Senate Pre­sident, hindi ito bulga­rang nag-eendoso pero maki­kita sa kasaysayan na ang nahahalal sa posisyon ay kung sino ang kaalyado na sumu­porta sa simula pa lamang ng eleksiyon.

Para kay Casiple, krusyal ang nalalabing tatlong taon sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya mas pipiliin niyang maging House Speaker ‘yung may tiwala siya noon pa man, naka­kasama at kilala nang lubusan na alam niyang magsusulong ng lahat ng kanyang legislative agenda bago matapos ang kanyang termino.

Aminado si Casiple, ito ang disbentaha kung bagito o newbie ang magiging House Speaker dahil walang working relationship sa Pangulo.

Aniya, hindi sapat na family friend lamang ang koneksiyon ng magiging House Speaker sa Pangu­lo dahil kalaunan ay mangangapa sa malaking responsibilidad na naka­atang sa kanya.

“‘Yung Speakership, hindi ito isyu ng pera, ‘yung mayaman ka kaya tatakbo, ang no. 1 criteria rito ay you have the trust of the President and you can carry the President’s agenda, hindi ‘yung iga-guide ka pa,” paliwanag ni Casiple.

Plus factor din umano kung kaalyado at sup­porter ka ng Pangulo sa umpisa pa lamang dahil mayroong trust kompara kung nag-over the bakod lamang.

Tinukoy niya ang kaso ni Velasco na may rekord na sumuporta noon kay Presidential candidate Grace Poe sa 2016 national election.

Nabatid na si Poe ang ikinampanya at nanguna sa baluwarte ni Velasco sa Marinduque noong 2016 at number one senatorial candidate rin si Poe sa lalawigan nitong 2019 senatorial election.

“May epekto rin siyempre kung may ganitong record kompara kung umpisa pa lamang ay firm ka na sa suporta sa Pangulo”diin ni Casiple.

Kombinsido si Casi­ple na three-way na lamang ang labanan ng Speaker­ship sa Kamara sa pagitan nina Velasco, Romualdez, at Cayetano.

Batay sa larawan na kuha mula sa Japan, maikokonsidera umano na out na sa labanan si dating House Speaker Pantaleon Alvarez dahil walang suporta mula sa Pangulo.

Samantala, para kay UP Professor Ranjit Rye, si Cayetano ang fit sa posisyon bilang House Speaker.

Aniya, hindi dapat baguhan ang iluklok na House Speaker bagkus ay may malawak na kara­nasan bilang mamba­batas na kayang maging lider ng 300 kapwa kongresista at hindi iyong paiikutin lamang.

Kinakailangan din na kaya niyang mag-implu­wensiya sa Senado sa isinusulong na legislative agenda.

HATAW News Team

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …