Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
electricity brown out energy

Dagdag oil explorations vs balik brownouts

MAAARING dumanas ng regular na power inter­ruption ang bansa hang­gang hindi nagaga­wang sapat ang numinipis na oil at gas reserves at maisu­long ang energy inde­pen­dence sa mga susu­nod na taon.

Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga eks­perto, patuloy sa pagba­ba ang oil at gas reserves ng Filipinas na nagbu­bun­sod upang umasa ang ban­sa sa pag-aangkat ng nasabing produkto.

Malaki rin ang epek­tong dulot  ng importa­syon sa presyo at supply ng oil at gas.

Nagpahayag ng pa­ngam­ba ang mga eksperto na kapag hindi nabigyang solusyon ang nasabing sitwasyon, maaari  itong magdulot ng bagong ber­siyon ng “dark ages” na marara­nasan ang maha­habang oras ng brown­outs.

Sa isang ulat kama­kailan, sinabi ni  Global Data power industry analyst Harshavardhan Reddy Nagatham na  ang lumolobong populasyon sa Filipinas  ay nagtutu­lak sa patuloy na pagtaas ng konsumo sa koryente sa bansa.

Bunga nito, malub­hang kailangan ngayon ng Fili­pi­nas na palawakin ang kapasidad nito pag­dating sa enerhiya.

Nagiging hadlang din sa mga inisyatiba ng bansa para sa oil at gas explo­rations ang pana­nam­lay ng investors dahil hindi pa nalulutas na isyu sa pagitan ng Commis­sion on Audit (CA) at ng Department of Energy (DoE).

Napagalaman, baga­ma’t maraming  m­amu­mu­hu­nan ang nagpaha­yag ng interes na puma­sok sa oil at gas explo­rations sa Fili­pinas, hindi ito maka­usad dahil sa nabang­git na mga usa­pin.

Batay sa ulat  ng First Solutions Macro Research ng Fitch Group, iniha­yag ng DoE na umaabot sa 48% ang antas ng oil importation ng Filipinas at inaasahan itong tataas sa mga  susunod na taon dahil sa demand at pag­ba­ba ng pro­duksiyon ng oil at gas.

Idinagdag  ng Fitch report: “Lubhang kaila­ngan  ngayon ng Filipinas ng karagdagang oil at gas exploration sa gitna ng patuloy na pagbaba ng kasalukuyang reserves at ang nalalapit na pagta­tapos ng production life ng Malampaya gas-to-power project.  Ang Malam­­­paya project ang nagbibigay ng 98% ng lokal na oil at gas pro­duction.

Gayonman,  na­nga­ngam­ba ang ilang foreign investors na maranasan nila ang umano’y pres­sure mula sa government auditors, tulad ng dinara­nas ngayon ng Malam­paya,  kaya bantulot sila na pasukin ang oil at gas exploration.

Umaasa ang mga ma­mu­muhunan  na ta­tang­galin ng pamahalaan ang mga kasalukuyang hadlang tulad ng COA vs DoE sa isyu ng government shares mula sa Malampaya project.

Ikinatuwa ng mga investor ang desisyon kama­­kailan ng inter­national arbiters pabor sa DoE/ Malampaya  consortiuim sa legal na usapin sa COA. (AD)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …