Monday , December 23 2024

5-taon basura ng Canada ‘itatapon’ pabalik ni Duterte

NAPIKON na si Pangulong Rodrigo Duterte kaya gagastusan na ang pagbabalik sa Canada ng mga basura nilang limang taon nang nakatambak sa bansa.

“President Rodrigo Roa Duterte is upset about the inordinate delay of Canada in shipping back its containers of garbage. We are extremely disappointed with Canada’s neither here nor there pronouncement on the matter,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Labis aniyang naiinsulto ang sambayanang Filipino sa pagbabalewala ng Canada na kunin ang kanilang basura at pagturing sa bansa bilang dumpsite.

“Obviously Canada is not taking this issue nor our country seriously. The Filipino people are gravely insulted about Canada treating this country as a dumpsite,” aniya.

“As a result of this offending delay, the President has instructed the appropriate office to look for a private shipping company which will bring back Canada’s trash to the latter’s jurisdiction. The government of the Philippines will shoulder all expenses. And we do not mind,” dagdag niya.

Kapag hindi aniya tinanggap ng Canada ang kanilang basura ay iiwanan ito sa kanilang karagatan.

“If Canada will not accept their trash, we will leave the same within its territorial waters or 12 nautical miles out to sea from the baseline of any of their country’s shores,” sabi ni Panelo.

“The President’s stance is principled as it is uncompromising: The Philippines as an independent sovereign nation must not be treated as trash by other foreign nations. We hope this message resonates well with the other countries of the world,” giit niya. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *