PINASAKLOLOHAN ng Palasyo si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hinarang ng Immigration authorities sa Hong Kong.
Batay sa ulat, hindi pinayagan makapasok ng Hong Kong si Morales para magbakasyon kasama ang kanyang pamilya bilang ‘paghihiganti’ umano ng China sa isinampang reklamong crimes against humanity ng dating Ombudsman laban kay Chinese President Xi Jin Ping sa International Criminal Court (ICC).
“I already called up Usec. Abella as Sec. Locsin is in Myanmar, and requested him to give assistance to former Ombudsman Morales and her family. He already replied and said they are already on it,” sabi ni Panelo kahapon.
Nabatid na sumama ang pamilya ni Morales sa pagbalik niya sa bansa at hindi na itinuloy ang kanilang bakasyon sa Hong Kong.
HATAW News Team