Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, naiyak sa pagsugod nina Arjo, Ria, at Gela sa HK

NAPAIYAK si Sylvia Sanchez habang nasa Hongkong Disneyland kahapon, Mayo 19 mismong kaarawan niya dahil biglang dumating ang tatlong anak na sina Arjo, Ria, at Gela Atayde. 

Akala kasi ng aktres ay hindi niya makakasama ang tatlong anak sa mismong araw ng kaarawan niya kasi nga may kanya-kanya silang ganap sa buhay kaya nang batiin siya habang naglalakad sa Disneyland ay nagulat siya, kompleto ang mga mahal niya sa buhay.

Lumipad papuntang Hongkong sina Ibyang, Papa Art, at Xavi Atayde kasama ang mama, mga kapatid, at pamangkin ng aktres bukod sa ilang kaibigan at kasamahan sa management agency nilang Powerhouse Arte.

Huli naming makausap si Ibyang ay gusto niyang magdiwang ng kaarawan sa ibang bansa kasama ang ina, mga kapatid, at pamangkin at natupad na kaya ang saya-saya niya.

Ilang beses naming tinatanong si Ibyang kung ano ang wish niya sa ika-48 birthday niya Linggo ng madaling araw pero hindi kami sinagot.

Wish ko, heto sinagot na ngayon, sinorpresa ako nina Arjo, Ria, at Gela rito Disneyland,” sabi ng aktres kahapon habang isinusulat namin ang balitang ito.

Dagdag pa, “hindi ko talaga sila kasama mag-celebrate ng birthday ko rito ngayon sa Disyneyland, mga pamangkin ko, mama ko, kapatid ko, Art and Xavi at ibang mga kaibigan ko lang.

May taping Arjo and Ria, si Gela may dance training. Kaya hindi ko na pinilit isama rito, ‘yon ang wish ko na sana nandito rin sila kasi bihira na talaga kaming magkasama, mabuo lalo na ‘pag out of d country. Tanggap ko na ‘yan.

Pero ‘yung wish ko nasagot din mismo sa araw ng birthday ko kasi dumating mga anak ko rito sinorpresa nila ako.

Nang nalaman ng daddy nila kahapon, na na pack-up trabaho ni Ria at Arjo ngayon May 19 kinunan kaagad sila ng tiket ng daddy nila para pumunta rito sa HK at isorpresa ako ng mag-ama ko, 7am flight nila kanina para makaabot ng 11AM dito (Disneyland) at uuwi rin sila mamayang 10 ng gabi dahil may taping sila bukas.

Ha ha nasorpresa ako ng mag-ama ko bigtime!!  Ang tanging nasabi ko na lang sa sarili ko, Happy bithday to me LORD ahahaha, Happy happy birthday talaga Thank u LORD!”

Speaking of Arjo at Ria, nominado sila sa 35th Star Awards for Movies para sa kategoryang Best Supporting Actor at Best Supporting Actress para sa BuyBust at The Hows of Us respectively na gaganapin sa Hunyo 2, sa Resorts World Manila.

Nominado rin si Arjo sa Ang Gawad Urian para sa best supporting actor na gaganapin sa Hunyo 18 sa UP Film Center.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …