Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Tutok sa 2022 presidential elections

KUNG tutuusin, nagsisimula pa lamang ang tunay na eleksiyon. Hindi pa man lubos na natatapos ang midterm elections, unti-unti nang ikinakasa ng kani-kanilang kampo kung sino ang mga tatakbong pangulo sa darating na 2022 presidential elections.

Ang katatapos na midterm elections lalo sa senatorial race ay masasabing barometro para sa mga tatakbong pangulo sa 2022.  Dito makikita kung sino-sino ang maaaring tumakbo bilang pangulo base na rin sa kanilang naging performance o naging ranking sa nagdaang halalan.

Kung titingnan mabuti, tanging si Senator Grace Poe at si Senator Cynthia Villar ang mala­mang na magbangga sa pampanguluhang halalan kung pagbabatayan ang kanilang naging ranking sa senatorial race.

Halos dikit ang naging boto ng dalawang senador at nagpalitan lamang sa una at pangala­wang puwesto ang dalawang kandidato. Mali­ban kina Grace at Cynthia, wala nang matutukoy na presidentiable sa nalalabing 10 nanalo sa pagkasenador.

Pero bukod kina Grace at Cynthia, naririyan ang lumulutang na pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte.  Hindi mapasusubalian ang lakas ni Sara kung tatakbo bilang pangulo dahil na rin sa suportang ibibigay ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ipinakita rin ni Sara ang kanyang popularidad nang mayorya ng kanyang mga kandidato na tumakbo sa ilalim ng partidong Hugpong ng Pagbabago ay manalo sa pagkasenador. Sa 13 binasbasan ni Sara, siyam ang uupo sa Senado.

Bukod kay Sara, naririyan din si Senator Manny Pacquiao.  Kaalyado ni Digong at inaasa­hang tatakbo sakaling magkaroon ng pagka­kataon.  Hindi na rin matatawaran ang pagiging politiko ni Pacman lalo na’t mabango pa rin ang kanyang pangalan sa masang Filipino.

Huwag din isantabi si dating Senador Bongbong Marcos.  Kung tuluyang kakatigan ng PET ang kanyang protesta at italagang panga­la­wang pangulo kapalit ni Leni Robre­do, tiyak na makapaghahanda siya at ma­sa­sa­bing mayroong potensiyal na manalong presidente.

At hindi rin maaaring mawala sa presidential race si dating Senador Manny Villar. Bilyonaryo at malawak ang organisasyon. Kung magde­desisyong tumakbo sa pampanguluhang halalan, tiyak na paaatrasin na lamang niya ang asawang si Cynthia.

Bagamat walang panalo, sige isama na rin natin si Robredo na maaaring lumahok din sa presidential derby lalo na kung uudyukan ng mga ‘dilawan.’

Kaya nga, asahan natin sa maagang panahon, ang batikusan o siraan ay malubha sa pagitan ng mga magkakalabang presiden­tiables. Tiyak ang batuhan ng maruruming putik at maraming madadamay na politiko.

Pero isa lang ang tinitiyak ko, dapat ang mananalo ay kakampi ni Digong.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *