Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Easy, kinikilig kina Jane at Jerome; nalalaliman din sa pag-arte

ANG direktor na si Easy Ferrer ang sumulat at nagdirehe ng pelikulang Finding You nina Jane OinezaBarbie Imperial, at Jerome Ponce produced ng Regal Entertainment, Inc na mapapanood na sa Mayo 29 nationwide.

Ayon kay direk Easy, nabasa niya sa isang online article noong 2016 ang ukol sa isang tao na natatandaan ang lahat ng nangyari sa kanyang buhay  simula nang magka-isip siya. Hyperthymesia ang tawag sa taong may ganoong kondisyon.

Kaya nagkaroon ng idea si Direk Easy na gawing pelikula ang ukol sa hyperthymesia, ”two years ago I started writing about it re someone with multiple heartbreaks actually cannot move on from whatever happened to him.”

Ang Finding You ang directorial debut ni Direk Easy kaya excited siya lalo’t nasunod ang mga artistang gusto niyang gumanap dahil matagal na silang magkakaibigan noong in-house creative consultant pa siya ng ABS-CBN dahil nakasama niya sina Jerome at Jane sa mga teleserye.

“Pero may mga nasulat na po akong movie, sa Regal ‘yung ‘Unli-life,’ ‘Hopeful Romantic,’ at ‘yung ‘Stranded,’”pagpapakilala ni Direk Easy sa sarili bago niya ginawa ang Finding You.

Hiningan ng komento si Direk Easy sa mga artista niya kung hindi nahirapang hanapin.

“Hindi po ako nahirapang hanapin sila dahil unang-una, sila po ang dumating sa buhay ko, unang peg ko po talaga si Jane kasi naka-work ko sila ni Jerome sa ‘Nasaan Ka Nang Kailangan Kita,’ assistant director palang po ako noon at galing na galing na ako kina Jerome at Jane noon at kinikilig po ako, so when I wrote it (Finding You) ay naisip ko na bagay ito sa kanila kasi para sa akin, sila ‘yung may depth sa acting.

“Tapos serendipity Barbie came along para i-fulfill ‘yung isa pang role which is Grace, ‘yun ang first love ng karakter ni Jerome,” kuwento ng director.

Nabanggit na nakatrabaho na rin ni Direk Easy si Jane sa Project February 14Bloody Crayons at iba pa.

“At saka bilib po talaga ako kay Jane para na kaming package deal (sa Regal) kasi ginawa namin ‘yung ‘Haunted Forest’ at ‘yung ‘Ang Henerasyong Sumuko sa Love’ kaya para kaming magkadikit ni Jane. Si Barbie kasi isa rin sa magaling na artista ngayon, parang ginapang ko pa siya para mapa-oo ko pa siya sa pelikulang ito,” kuwento pa ni Direk Easy.

Nabanggit pa ni Direk Easy na naging barkada na sila dahil maski pagkatapos ng shooting ay magkakasama sila at lumalabas hanggang ngayong tapos na ang pelikula ay sila pa rin.

Mapapanood na ang Finding You sa Mayo 29 mula sa Regal Entertainment.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …