Wednesday , December 25 2024

Isko, Honey proklamado sa Maynila (Bilang bagong mayor at vice mayor)

OPISYAL nang idineklara ng board of canvassers si Isko Moreno bilang susunod na mayor ng Maynila pag­ka­tapos ng 2019 local (midterm) elections.

Si Moreno, dating vice mayor at tumakbong sena­dor noong 2016 elections pero nabigo, ay nakatanggap ngayon ng 357,925 boto para talunin si incumbent Mayor Joseph Estrada na naka­kuha ng 210,605.

Pumangatlo si dating mayor Alfredo Lim sa botong 138,923.

Ang running mate ni Isko na si Honey Lacuna ay naunang naiproklama bilang susunod na vice mayor ng lungsod kaha­pon.

Sa pagkapanalo nina Isko at Honey, itinuring na epektibo ang ginawang kampanya ng Batang Maynila sa pangunguna ni mayor-elect Isko More­no sa ginanap na elek­si­yon sa lungsod ng May­nila.

Bukod sa dalawa, majority rin sa mga kon­sehal sa partido ng Ba­tang Maynila ang nanalo sa nagdaang eleksiyon mula sa anim na distrito na masasabing bagong kasaysayan ang 9-0 panalo ng partido sa 3rd disrito ng lungsod.

Kaugnay nito, nagla­bas ng pormal na paha­yag ang Batang Maynila mayor-elect para sa mga sumuporta at tumulong sa kanilang tagumpay.

Aniya, “Maraming salamat po sa Diyos. Maraming salamat po sa Batang Maynila na lumahok sa demo­krati­kong prosesong ito.

“Natanggap na natin ang hatol ng bayan, at malaking hamon ang aming haharapin ni Vice Mayor Honey Lacuna sa pagtupad ng ating pa­nga­rap na maiangat ang antas ng pamumu­hay sa lungsod ng Maynila.

“Ito na ang panahon para tayong mga Batang Maynila ay magtulungan at magkaisa tungo sa ating pangarap para maiangat ang antas ng pamumuhay sa lungsod ng Maynila.

“Makaaasa po kayo sa amin ni Vice Mayor Honey Lacuna na pag­bubutihin namin ang aming trabaho upang makamit natin ang pag-asenso ng bawat Mani­leño.

“Muli, marami pong salamat sa inyong lahat.” pagwawakas ni mayor-elect Moreno.

Narito ang iba pang nahalal sa Maynila:

Sa District 1, congress­man Manny Lopez at ang mga kon­sehal na sina Dionix Dionisio, Bobby Lim, Banzai Nieva, Peter Ong, Irma Alfonso, at Jesus Fajardo.

Sa District 2, congress­­­man CRV Roland Valeriano at ang mga konsehal na sina Uno Lim, Awi Sia, Macky Lac­son, Edward Tan, Roma Robles, at Jem Buena­ventura.

Sa District 3 pro­klamado na rin bilang congressman si Yul Servo Nieto, at mga konsehal sina Apple Nieto, Fa Fugoso, Jong Isip, Joel Chua, Terence Alibarbar, at Letlet Zarcal.

Sa Distrcit 4 nama ay si congressman Edward Maceda, at ang mga kon­sehal na sina Louie Chua, Krys Bacani, Wardee Quintos, Science Reyes, JTV Villanueva, at DJ  Bagatsing.

Sa Distrcit 5, si congresswoman Crystal Bagatsing, at ang mga konsehal na sina Erwin Tieng, Laris Borromeo, Mon Yupangco, Joey Hizon III, Boy Isip, at Charry Ortega.

Sa District 6, prokla­mado na rin si congress­man Benny Abante at ang mga konsehal na sina Joel Par, Princess Abante, Philip Lacuna, Christian Uy, Caloy Castaneda, at Lou Veloso.

HATAW News Team

WAGI SA SOUTH METRO MANILA

ITINAAS ang kamay kahapon  ng Commission on Election (COMELEC) ang ilang nanalong kandi­dato sa south Metro Manila.

Sa Makati City, ipri­no­klama si Abby Binay bilang reelectionist mayor ng lungsod, na nakakuha ng 179,522 boto at tinalo ang kapatid na si Junjun, na nakakuha ng botong 98,653.

Kasama rin sa ipri­noklama ang mister ni  Abby na si Luis Campos bilang nanalong kandi­dato sa pagka-kongre­sista sa ikalawang dis­trito, na nakakuha 90,736 at tinalo si King Yabut, na may botong 63,245.

Ipinoklama rin si dating OIC mayor Romulo “Kid” Peña, na nanalong congressman sa unang distrito ng lungsod dakong 4:32 am.

Nakasungkit si Peña  ng botong 71,035 at tinalo si dating vice president Jejomar Binay Sr., na nakakuha ng botong 65,229.

Itinaas rin ang kamay ni Monique Lagdameo na iprinoklama bilang bise alkalde ng lungsod, na nakasungkit ng botong 182,655 at tinalo ang action star na si Monsour Del Rosario, na may boto namang 105,153.

Sa siyudad ng Las Piñas 11:30 pm kama­kalawa nang iproklama ng Comelec sina Mayor Imelda Aguilar bilang mayor-elect, gayondin ang anak na si April, na nanalo namang vice mayor ng lungsod, at ang anak ni Senadora Cynthia Villar na si Camille,  nanalo bilang congress­woman.

Iprinoklama si Aguilar matapos makuha ang botong 170,972 at ang anak na si April ay 161,789 boto.

Sa Muntinlupa City, 10:00 am nang iprokla­mang nagwagi si incum­bent mayor Jaime “Jimmy” Fresnedi, congress­man Ruffy Bia­zon, at vice mayor-elect Temy Simundac.

Sa area ng Taguig City, 2:30 pm, iprino­klama sina dating senador at Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Alan Peter Cayetano, bilang nagwaging kongre­sista ng unang distrito, ang misis na si Mayor Lani, na nagwaging congres­s­woman sa ikala­wang distrito at ang ka­pa­tid na si Lino, nag­waging alkalde sa lung­sod.

Sa Parañaque City, nangunguna ang “Team Olivarez”  sa pamumuno ni Mayor Edwin;  kapatid na si congressman Eric; vice mayor Rico Golez, at ang lahat ng mga kaal­yadong konsehal na nakatakdang iproklama ng Comelec.

Samantala sa Pasay City, nanguna sa pagka-alkalde si dating congresswoman Imelda “Emi” Calixto-Rubiano, kapatid na si Mayor Antonino “Tony” Calixto, bilang kongresista, at si Boyet Del Rosario bilang vice mayor na nakatkda na rin iproklama.

Sa bayan ng Pateros, iprinoklama rin kahapon ng Comelec si reelec­tionist  mayor Ike Ponce.

Nasungkit niya ang botong 18,370 at tinalo ang katunggaling si Doc Willie Buenaventura, na nakakuha ng botong 8,775.

Gayondin si Gerald German, na nagwaging bise alkalde, na  may botong 14,600 at tinalo si Carlo Santos, na may botong 11,729.

(JAJA GARCIA)

RESULTA SA CAMANAVA

ITINUTURING na na­ngunguna na kahit hindi pa natatapos ang bila­ngan sa Caloocan, Mala­bon, Navotas. at Valen­zuela ang mga nangu­nguna sa bilangan.

Ilang mga kandidato ang maituturing na pana­lo dahil sa laki ng lamang ng boto kahit hindi pa maiproklama dahil hinihintay na matapos ang bilangan.

Dakong 3:50 pm, sa 98.45% election returns ay nangunguna pa rin ang kasalukuyang alkalde ng Caloocan na si Mayor Oscar “Oca” Malapitan na may 423,072 boto, sinundan ng kalaban niyang sina Emil Trinidad na may 4,260 boto; Raffy Bayon-on, 3,763; Ronnie Mayunes, 3,101, at Ed Sevilla na may 2,361 boto.

Walang kalaban si bise alkalde Maca Asistio na may 369,790 boto.

Pasok sa pagkakon­sehal ng 1st District sina Enteng Malapitan, 247,403 boto; Karina The, 215,873; Dean Asistio, 209, 209; Pj Malonzo, 201, 372; Jay Africa,  182, 011, na sinundan nina Alou Nubla, Inar Trinidad, Ernesto Palma, Roberto Aquino Jr., Botchoy Gadon, Tyrone De Leon Sr., Pastor Orbe, Salvador Lipata Jr., Isidro Balan­day, at Elmar Santarin.

Sa 2nd District ay pasok sina Doc Ed Aruelo na may 95, 085 boto, LA Asistio, 94,506; Obet Samson, 92,728; Alex Mangasar, 88, 77; Rose Mercado, 82,262; Carding Bagus,  77,299 na sinun­dan nina Chito Abel, Dennis Macalintal, Joseph Timbol, Arnold Blanco, Roy Valencia, Bishop Boy Espiritu, Lauro Arcadio Jr., Jeffpril Felix, Ronald Gadayan, Rodolfo Sala­ngsang at Blam-Blam Tayao.

Sa pagka-kongresista naman ay lumamang si Edgar Erice na nakakuha ng 123,824 boto laban kay Noel Cabuhat na may 13, 282 boto sa ikalawang distrito, habang walang kumalaban sa unang distrito kay Along Mala­pitan na nasa 278,441 ang boto.

Sa Lungsod ng Mala­bon (sa parehong oras) may 98.86% election returns ay nangunguna sa pagiging alkalde si incumbent Mayor Len Len Oreta na nakakuha ng 99.425 boto laban kay Jeannie Sandoval na nakakuha ng 55, 579.

Sa pagka-bise alkalde ay nanguna si Ninong Dela Cruz na nagkamit ng 82,705 boto laban kay Maricar Torres na nasa 63,531 ang nakuha.

Sa mga konsehal, pasok din sa 1st district sina Jap Jap Garcia na may 48,481 boto, Leslie Yambao, 47,467; Edwin Dimagiba, 45,286; Paulo Oreta, 42,517; Danilo Dumalaog, 39,110 na sinundan nina Ona Payapa, Jon Cruz, Joey Sabaricos, Mac Tiangco, Miel Delos Reyes, Rj Yambao, Reinos Cortez at Con-Con San Juan.

Sa 2nd district, nangu­na si Enzo Oreta na may 39,473 boto, sinun­dan ni Dado Cunanan, 37,849; Edward Nolasco, 36,919; Nadja Marie Vicencio, 34,762; Sonia Lim, 34, 728, na sinundan nina Peng Mañalac, Mark Roque, Rom Cunanan, Jojo Lee, Jeny Laquez, Ivy Geronimo, Jc Cagaanan, Sally Trinidad, Monet Pabustan, Lorenzo Enri­quez, at Robert Aurel Ballentos habang nangu­na sa pagkakogresista si Jaye

Lacson-Noel na may 84, 856 boto laban kay Ricky Sandoval na naka­kuha ng 64, 902 boto.

Samantala sa 99.37% election returns sa lung­sod ng Navotas, nanguna sa pagka-alkalde si da­ting congressman Tobias Tiangco na nagkamit ng 78,778 boto laban kay Di Ang, may 33,216 boto.

Sa bise alkalde, mu­ling nanalo sa vice mayor Clint Geronimo, may 62,460 boto laban kay RC Cruz na may 46,480 boto, sa pagkakongresista ay nanalo rin ang dating alkalde na si John Rey Tiangco na nagkamit ng 80,265 boto laban kay Mariel Del Rosario na may 30,050 boto.

Nangunang konsehal ng 1st District si Julia Monroy, 33,255, na sinun­dan nina Atty. Ej Arriola, 31,181; Jack Santiago, 30,995; Tarok Mano, 27,560; RV Vicencio  24,860; Alvin Jason Naval, 24,578, habang sa 2nd district naman ay nanguna si Kap. Tito Sanchez, 36,534 na sinundan nina Arnel Lupisan, 32,309; Neil Cruz, Migi Naval, Don De Guzman at iba pang hindi nakapasok sa pang-anim na puwesto.

Sa lungsod ng Valen­zuela, sa 99.76% election returns ay nanguna sa pagka-alkalde si Rex Gatchalian na may 248, 911 boto.

Sinundan nina Bong Go (tokayo ng tumakbong senador), kasunod si Bien Español na napakalaki ng lamang. Sa bise alkalde ay walang kalaban si Lorie Natividad-Borja, sa pagkakongresista sa 1st District ay walang kala­ban si Wes Gatchalian, sa 2nd district ay nangu­nguna si Eric Martinez sa 106,848 laban sa 37,935 boto na natanggap ni Magi Gunigundo.

Pasok sa pagkakon­sehal ng 1st district sina Rovin Feliciano, Ricar Enriquez, Ramon Enca­rnacion, Jenny Pingree, Ghogho Lee, at Bimbo Dela Cruz.

Sa 2nd District ay nanguna si Charee Pineda na sinundan nina Kim Galang, Tyson Sy, Nina Lopez, Louie Nolasco at Chiqui Carreon.

(JUN DAVID)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *