HAPON na nang magpatuloy ang botohan para sa 2019 midterm elections sa isang presinto sa Toril Elementary School sa bayan ng Albequerque, lalawigan ng Bohol.
Naghintay ang mga apektadong botante nang halos tatlong oras sa mga balotang ipadadala sa bayan ng Alburquerque na dumating dakong 3:00 pm o tatlong oras bago ang nakatakdang pagtatapos ng halalan kahapon, 13 Mayo.
Pinili ng ibang botanteng maghintay sa labas ng silid nang halos dalawang oras samantala minabuti ng iba na umuwi na lamang.
Ayon kay Marita Balleon, chairman ng Board of Election Inspectors, 120 balota para sa Barangay Toril ng bayan ng Albequerque ang nagkamaling naipadala sa bayan ng Cordova sa Cebu.